Binastos ng mga nagpapasugal sa payong na rin marahil ng otoridad sa Region 1, mula Pangasinan hanggang Ilocos
Norte, ang pakiusap ni Senator Bato dela Rosa na itigil na ang mga pergalan (peryahansugalan) matapos ang
kamakailang pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order and Illegal Drugs. Dahil ayon sa Komite na
pinamumunuan ni Senator Bato, kahiya-hiya lalo na sa kapulisan, ang naisambulat na pangongotong umano ng
kapulisan ng Region 1 sa mga nagpapasugal. Ani Bato, wala nang rason upang mangotong pa ang mga pulis dahil matataas na ang kanilang sahod.
Ngunit pagkatapos lamang ng ilang araw na tumigil ang mga pergalan, muling nagsibukasan ang mga ito sa Area of Responsibility (AOR) ni Ilocos Region police director Brig. Gen. Lou F. Evangelista. Sa katunayan, may bagong bukas na pergalan sa Naguillan, La Union nitong unang linggo ng Pebrero sa barangay Ortiz na inooperate ni Rolando Garcia. Kaano-ano kaya ito ni Second District Representative Dante Garcia? Tumuloy ang pamemerwisyo ng mga pergalan ni “Mr. Tuyoy” sa ilang bayan ng La Union, lalo na sa pangalawang distrito at ni “Mr. Ibasan” naman sa mga bayan-bayan sa Pangasinan.
Nagpapakita lamang na mas matigas ang mga operator ng mga pergalan kaysa kay Senator Bato! Kung ayaw nilang tumalima sa pakiusap ng Komite ng Senado, na kung tutuusin ay isang kautusang legal mula sa isang mahalagang
sangay ng pamahalaan, ano ang kahulugan nito? Iiisa lang ang malinaw. Sa kabila ng isang kautusan ng isang mahalagang sangay ng pamahalaan, nagpatuloy ang “benepisyo” ‘di lamang ang mga nangongotong na pulis kundi
pati mga lokal na opisyal at iba pang mga law enforcement agencies upang magbulagbulagan at magbingibingihan.
March 2, 2024
March 2, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 15, 2024