SENIOR HIGH SCHOOL NAGWAGI SA MR. AND MS. UB 2023

Photo Caption: Kinoronahan bilang Mr. and Ms. University of Baguio 2023 ang parehong kalahok na Senior High School student na sina Jair Cansino at Heaven Lawingan noong April 13, na ginanap sa UB Cardinals Gym.

Photo by Joshua C. Santos/ABN


 

BAGUIO CITY

Nagwagi ang parehong kalahok mula Senior High School na sina Jair Cansino at Heaven Lawingan sa pagbabalik ng Mr. and Ms. University of Baguio 2023 na ginanap sa UB Cardinals Gym noong April 13. Ang lahat ng candidates ay nagpakilala sa pamamagitan ng kanilang opening statement
tungkol sa kanilang adbokasiya na tumatalakay sa iba’t ibang sustainable development goals mula sa United Nations. Ito rin ang focus ng pageant pagdating sa Q and A.

Inirampa rin nila ang kanilang mga natatanging Creative Costume na may temang Bejeweled. Ito ay sumisimbolo sa repleksyon hindi lamang sa natatangi nilang ganda at kakisigan ngunit maging ng kanilang kinang sa pagsulong sa pagbabagong nais nilang makita. Bago inanunsyo ang Top 5, muling rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang Evening Wear na likha ni Shiva Rivera, isang designer mula sa siyudad.

Itinanghal na 4th runner sina Mr.Jhezereel Bangaoet mula sa School of Teacher Education and Liberal Arts at si Miss Nena Escaera mula School of Nursing, samantalang 3rd Runner up naman sina Jabez Lumasoc ng School of Business Administration and Accountancy at Jesmine Peñafor ng School of Dentistry. Nasungkit naman nina Caryll Lardizabal ng School of Dentistry at Joana España mula School of Natural Science, ang 2nd runner up at itinanghal naman bilang 1st runner up sina Jethro Gray at Fraulein Mostolesmula sa School of International Hospitality and Tourism Management.

Joshua C. Santos-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon