KAHALAGAHAN NG PAGBABASA AT STORYTELLING, TAMPOK SA LITERARY FAIR NG UNIVERSITY OF THE CORDILLERAS

Photo Caption: STORYTELLING AND LITERARY FAIR – Ipinamalas ng mga mag-aaral ng College of Arts and Sciences, BA English Language Studies sa University of the Cordilleras ang kanilang mga props, aklat, at mga malikhain na kasuotan para sa kaganapan na “Clever Little Endeavors Storytelling and Literary Fair” na ginanap sa Children’s Park Burnham,Baguio City,noong Abril 5.

Photo by Ron Christian Nacionales/ABN


 

BAGUIO CITY

Sa layuning turuan ang mga bata sa kahalagahan ng pagbabasa at sining ng storytelling, isinagawa ng mga kasapi ng University of Cordillera Language and Literature Society ang matagumpay na
“Clever Little Endeavors Storytelling and Literary Fair” sa Children’s Park Burnham, noong Abril 5.
Ipinamalas ng mga kasapi ang kanilang dedikasyon sa pagtuturo at pag-aalaga sa mga bata sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na nagtatampok ng storytelling at sining.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng masiglang pagbati ng host na si Staisy Lacson, para sa mga kalahok at ng isa sa mga kasapi ng komite. Sinundan ito ng tagapayo ng klase na nagbukas ng programa sa pamamagitan ng mga mensaheng pasasalamat sa mga kalahok at pagpapahayag
ng kaligayahan sa pagdalo ni Dr. Gregerlin Lambenicio na nagbigay rin ng pagbati sa isang kasabihan na “May reading be a habit for all of you.” Nagbigay naman ng maikling paliwanag ang
tagapangasiwa ng programa na sila Heidi Alonzo at Erica Focasan sa mga aktibidad ng Literary Fair.

Ang mga kuwento na ginamit sa storytelling ay kinuha mula sa iba’t ibang mga kuwentong pambata, na nagtampok ng mga inspirasyon mula sa pelikulang “Into the Woods,” na nagawang mangakit ng pansin para sa mga bata. Ayon naman kina Heidi at Erica, “At first, hindi namin ineexpect na maraming bata. Yung mga bata they still stayed throughout the program because we expect na short yung attention span nila. So iniisip namin na aalis sila in the middle of the play, but we’re grateful that they stayed and participated in the activities na prinepare namin.”

Sa ganitong paraan, ipinagdiwang ang Literary Fair na may iba’t ibang mga aktibidad sa pagbasa, sining, at craft. Sa pamamagitan ng programa na ito, naging masaya at kapaki-pakinabang ang
karanasan ng mga bata, na nagdulot ng tuwa at inspirasyon. Ang mga kaganapang ito ay nagpapatunay na ang pagbabasa at pag-aaral ng sining ay patuloy na itinuturing na mahalagang bahagi ng kulturang pampanitikan ng komunidad.

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon