SESSION ROAD ISASARA SA OKTUBRE 7 AT 8 PARA BIGYANG DAAN ANG SELEBRASYON NG MID-AUTUMN FESTIVAL

LUNSOD NG BAGUIO

Ipinahayag ni Mayor Benjamin Magalong sa pamamagitan ng kayang Executive Order 138 serye ng
2023 na na isinasaad nito ang pagsasara ng Session Road sa Oktubre 7 at 8 upang bigyang daan ang selebrasyon ng MidAutum Festival . Ang Mid Autum Festival ay kilala rin bilang Mooncake
Festival o Lantern Festival na isang tradisyon ng East Asian Festival na ginaganap tuwing ika 15th ng buwan ng Oktubre o mas kilala sa ika walong pagbilog ng buwan.

“The Festival is a traditional and culturally significant celebration observed by Chinese communities around the world, including a sizable population of Filipino-Chinese in the City of Baguio,” Ani Magalong . Naging popular o sumikat ang Mooncake Festival sa lunsod ng Baguio hanggang makilala ito maging sa labas ng syudad na naging “tourists attraction” dahil na rin sa
ipinaklitang kultura at tradisyon ng mga Filipino-Chinese Community dito sa lunsod.

“Session Road, as a prominent and central location within the City of Baguio, provides a suitable and accessible venue for hosting the Mid-Autumn Festival cultural events, parades and performances,” ito ang nakasaad sa nasabing Executive Order ng Mayor ng Baguio. Kinikilala rin ang Mid-Autum Festival bilang isang “fiesta” sa probisyon ng Local Government Code ng 1991.

Inatasan din ng nasabing Executive Order ang tanggapan ng Baguio City Police Office na bigyan
ng seguridad ang mga taong lalahok at manunuod sa nasabing festival at inaatasan din ang tanggapan ng City Engineering Office na tumulong sa pagsasara ng Session Road at maglagay ng kaukulang mga senyales sa gagawing rerouting ng trapiko.

Gabby B.Keith

Amianan Balita Ngayon