SINGLE-MOTHER PATATAYUAN NG SARILING BAHAY NG ABRA PPO

TAYUM, Abra

Isang 33 anyos na single-mother na may tatlong anak ang nagkaroon ng munting bahay ang nakinabang sa ‘Pabahay Handog Program’ ng Abra Police Provincial Office (PPO), sa isinagawang
groundbreaking ceremony sa Tayum, Abra noong Mayo 3. Ang tatanggap ng nasabing proyekto ay si Roselyn Siobal, 33, single mother, na may tatlong anak at residente ng Sitio Mondoc, Barangay Cabaroan, Tayum, Abra.

Ang nasabing seremonya ay pinasinayaan ni Lt.Col. Allan Guyguyon, deputy rrovincial director for Administration (DPDA) ng Abra PPO, at dinaluhan nina Maj. Daniel Peley, chief ng Provincial Community Affairs Development Unit (PCADU); Maj. Allan Glenn Daria,acting Chief of Police ng Tayum MPS; Sangguniang Bayan (Member Agustin Barbieto; Pastor Gerard Bigornia ng 1st Bible Baptist Church; Municipal Engr. G. Arbi Arciaga; at Barangay Kagawad Ronilo Gandeza.

Bilang highlight ng aktibidad, pinangunahan ni Guyguyon ang paglagay ng time capsule, bilang hudyat sa pagsisimula ng pagtatayo ng bagong Pabahay Project. Ang proyekto ay naging posible sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga opisyal ng pulisya ng Abra PPO, Advocacy Support Groups, at iba pang Stakeholder. Labis naman ang pasalamat ni Siobal sa programa ng kapulisan na matatayuan na sila ng maayos na bahay.”Gawa lang sa light material at tagpitagpi pa ang aming bahay, na hindi ko maasikaso dahil nag-iisa lang akong bumubuhay sa aking mga anak.Maraming salamat sa tulong na ipinagkaloob na biyayang ito sa amin.”

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon