TOURIST DRIVER, NALAMBAT SA DRUG-BUST OPERATION

BAUANG, La Union

Isang tourist driver at kasabwat nito ang nalambat sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-La Union Provincial Police Office at Technical Support Company, RMFB1 sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-1 sa
Barangay Gitnang Silangan, Bauang, La Union,noong Mayo 4. Sa ulat na tinanggap ni Brig, Gen. John Chua, regional director ng Police Regional Office-1, kinilala ang nadakip na sina Angel Luis Ocampo Peralta,32, tourist driver, residente ng Baguio City at Jovan Genove Bambico, 25 at
residente ng Burgos, La Union.

Ikinasa ang buy-bust operation dakong alas 11:00 ng gabimatapos kumagat sa pain ang dalawang suspek, na nakuhan ng 43.82 gramo ng shabu na may halagang P297,976.56. Labis na pinuri ni Chua, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operation sa pagkakahuli g dalawang drug
pusher.“This feat has set the mood to show the drug personalities out there na sa tagumpay na ito at higit pang hinihikayat ang kanilang suporta. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 para sa pagsasampa.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon