Sino ba naman ang may gustong mamanmanan at pagdudahan?

Jan 13, 2019

Ang isinasagawang diumano’y “profiling”, surveillance o inventory ng PNP sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay agad kinondena ng mga miyembro ng ACT at agad namang sinakyan ng Commission on Human Rights (CHR) at sinabing tuwirang paglabag na sa rights of privacy at association. Nagdulot na raw ito ng pangamba ang hakbang ng PNP dahil na rin daw sa “klima ng panliligalig at banta laban sa mga progresibo at nag-iingay na grupo”. Meron daw panganib sa listahan na maaaring gamitin upang suhetuhin ang mga lehitimong concerns o upang patahimikin ang mga kritisismo o kalaban.
Ayon pa sa ACT ang hakbang ng PNP na palabasin ang listahan ng mga miyembro ng ACT ay bahagi raw ng pasistang pamamaraan ni Pangulong Duterte (ala “tokhang”). Pinagdududahan daw na may kaugnayan ang ACT sa CPP-NPA kagaya ng unang pahayag laban sa National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), Bayan Muna, Liberal Party, at lahat ng tinukoy bilang mga “fronts” samantalang ang ginagawa lamang naman daw ng mga organisasyon na ito ay labanan ang di-makataong mga utos ni Pangulong Duterte.
Handa naman daw protektahan ng DepEd ang mga miyembro ng ACT at nag-utos sa regional offices nito na huwag maglabas ng anumang impormasyon hinggil sa grupo. Sa batas ay hindi raw nakatakdang magbigay ng personal na impormasyon ang DepEd bilang isang pampublikong institusyon ayon sa Data Privacy Act of 2012.
Ayon naman kay Chief PNP Oscar Albayalde ay wala daw siyang pinirmahang anumang memorandum at hindi iniutos ang paglikom ng impormasyon sa mga miyembro ng ACT at sinabing maaaring may “kawalan ng ingat” sa kaniyang mga nasasakupan. Sinabi niyang kung totoong galing ang memorandum sa PNP Directorate for Intelligence ay dapat manatili sana itong internal lamang at “confidential” subalit naglalabas daw ang ibang PNP directorial staffs ng sarili nilang reports at memorandums na hindi na pumupunta sa Ofice of the Chief PNP. Sa kabila nito ay sa ganang sarili ni Albayalde ang anumang kagayang memorandum ay hindi magagamit upang i-harass ang mga miyembro ng ACT, maliban na lang daw kung may kasalanan sila sa isang krimen. Trabaho daw ng estado ng protektahan ang mamamayan nito at mga interes laban sa mga kalaban ng estado gaya ng Communist Terrorist Groups o CPP/NPA at mga kapanig o front organizations na inilahad at tinukoy ni Jose Ma. Sison gaya ng Bayan, KMU, KMP, LFS, Gabriella, ACT, Kadena at iba pa. Ang intelligence gathering ayon kay Albayalde ay makakatulong sa estado na kontrolin o supilin ang kapalaluan ng mga komunistang terorista upang ibagsak ang gobyerno sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan tulad ng pangingikil, pagsunog at pagnanakaw sa yaman ng mga nagnenegosyo na nagbibigay kabuhayan sa mga nagmamahal sa kapayapaan na mamamayan ng bansa. Ngayong tinukoy na raw mismo ni Sison ang ACT na isang front organization ng CPP/NPA, ang pasan ay nasa mga miyembro na raw ng ACT na humiwalay sila sa teroristang organisasyon dahil ginagamit lamang sila sa infiltration, manipulation, at paggamit sa ranggo ng mga guro.
Ang nabunyag na memorandum ay iniuutos ng PNP na magsagawa ng inventory at nagkaroon ng mga pagbisita ng mga pulis sa 18 lugar kabilang na ang Benguet.
Sino ba naman ang may gusto na namamanmanan siya o pinaghihinalaang may kaugnayan sa terorista, kapanalig o ka-alyansiya ng teroristang grupo. Subalit may kani-kaniyang trabaho ang mga ahensiya ng gobyerno na pinapaniwalaan nating para sa ikakabuti ng bansa at mamamayan nito. Pero sana ang mga hakbang ay naaayon pa rin sa makatao at udyok ng pagsunod sa batas na kinikilala pa rin ang umiiral na karapatan ng bawat isa. Subalit sa kabilang banda, kung wala ka namang ginagawang labag sa batas ay bakit ka mangangamba?

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest