Sa lalawigan ng Benguet, walang hindi nakakakilala sa pangalang Nestor Fongwan, Sr., ang tinaguring political kingpin ng lalawigan, na nagsilbi ng halos 31 taon sa pulitika.
Nagsimulang maging public servant bilang Konsehal,Vice Mayor at Mayor ng capital town ng La Trinidad, hanggang Governor at Congressman ng lalawigan. Minahal siya ng mga mamamayan ng Benguet dahil sa angkin niyang karisma sa paggiging totoong public servant.
Si Rose Fongwan-Kepes, na kilala bilang si Betbet, panganay na anak ay kilala ngayon bilang Women’s Right Advocate ng Benguet. Si Betbet ang nagsilbing kanang-kamay, personal secretary o’ chief of staff noong maging Alkade si NBF, Sr., hanggang sa pagiging Gobernador at Congressman ng ama.
Sa mahabang panahon, nakita ni Betbet kung paano magsilbi ang kanyang ama sa publiko, na halos makalimutan na nito na may pamilya rin siyang dapat pagsilbihan.
“Nasanay na kami, kasi kahit nasa bahay ‘yan, hindi naman mapakali at ang isip lagi sa komunidad at kulang na nga lang ay gawing tulugan ang kanyang opisina sa kapitoyo’, wika ni Betbet nang makapanayam natin.
Aniya, masarap daw manilbihan sa kapuwa kapag mula sa puso at kusang-gawa ang ipapairal, hindi ang pamumulitika, kaya gusto niya itong gawin at sundan ang yapak ng kanyang ama.
Nakita niya kung paano ginawa ng kanyang ama na ilevel ang ekonomiya ng Benguet, lalong-lalo sa mga farmers, dahil sa pagiging pagsasaka nagsimula ang kanilang kabuhayan. Sa tagal din ng serbisyo ni Betbet sa gobyerno, ay nakasanayan na nito kung paano makiharap sa tao, mga programa, mga problema kung paano magagawan ng solusyon.
Aniya ang kanyang adhikain, adbokasiya sa ngayon ay mas lalo niyang magagawa sa tulong din ng pamahalaan, dahil kapag nasa puwesto ay mas marami kang ideya at programa na maipapatupad lalong-lalo na sa livelihood projects para sa kakailyan.
Isa sa mga programa nito ay itaas pa ang kalidad ng One Town,One Product (OTOP) ng bawat munisipyo ng District 2 ng Benguet, para kilalanin ang lalawigan na may angking yaman sa produksyon para sa pangkabuhayan at maalis ang “middleman” na siyang kumikita,kesa sa mga vegetables farmer.Tulungan ang mga womens livelihood organization,senior citizens at palakasin pa ang health services.
Si Betbet ay asawa ngayon ni Engr.Roy Kepes na taga Mt. Province.
October 24, 2021
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024