Smuggled rice, nais ilipat sa NFA kahit walang EO

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpila ng isang hakbang si Abra Congressman Joseph Sto. Nino Bernos ng isang hakbang sa Kamara na hinihiling na bigyan ng otorisasyon ang paglipat ng nakumpiskang smuggled rice sa National Food Authority (NFA) na hindi na kinakailangan ang isang executive order.
Sa gitna ng napaulat na kakulangan sa NFA ay ipinila ni Bernos ang House Bill 7348 na nagbibigay mandato sa Bureau of Customs (BoC) na ilipat ang smuggled rice sa loob ng 15 araw matapos itong makumpiska.
“This is to ensure that the NFA has a comfortable supply of rice that can be used to supply the market with cheaper rice and to feed victims of natural disasters in relief operations,” ani Bernos. “It cannot be denied that the recent dilemma of the NFA raised the alarm on rice supply and induced panic among suppliers and consumers alike,” paliwanag ni Bernos na galing din sa isang agrikulturang probinsiya.
Upang masiguro ang seguridad ng nakumpiskang bigas ay titiyakin ng BoC ang kuwalidad at lagda ng mga agency heads ng NFA at BoC na kailangan sa paglipat, ayon sa panukala.
Binigyan-pansin ni Bernos na noong nakaraang buwan ay napaulat ang pag-iral ng rice smuggling na pumipilay sa kita ng mga magsasaka at pinapahina ang mga hakbang ng gobyerno na labanan ang pagpasok ng ‘undocumented rice’.
“We have to maximize available and viable resources to address food security problems and bureaucratic inefficiencies in the country,” paliwanag niya. “I believe that through this measure, we will discourage smugglers from illicitly importing rice because BoC will stop them, penalize them, and their rice will not bring money to their accounts,” dagdag niya.
Kung naisaayos na ang panukala ay sinabi ni Bernos na, “the public is assured that our supply of food, especially rice that is a staple part of the Filipino culture, is and will be sufficient enough to meet our needs. ABN

Amianan Balita Ngayon