SOL GO KANDIDATO SA PAGKA-CONGRESSWOMAN NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Naghain ng Certificate of Candidacy si Soledad ‘Sol” Go, asawa ni Congressman Mark Go, kasama ang limang kandidato sa pag-city councilor, na unang batch sa ilalim ng local ‘Team Maka-Baguio Tayo’, sa tanggapan ng Commission on Elections sa Baguio Convention and Cultural Center, noong Oktubre 3. Si Congressman Mark Go, na
magtatapos na ang kanyang ikatlong termino, ay hinalili nito ang kanyang asawa na kumandidato bilang Baguio’s Lone Congressional district sa 2025 midterm elections.

Ang mga ka-team nitong mga kandidato sa pagka-konsehal ay sina re-electionist Betty Lourdes Tabanda, comebacking Joel Alangsab, Elaine Sembrano at baguhang si mediaman Eduardo ‘Edong” Carta at AZKCO Kagawad
Atty.Stanford Ang. Sa loob ng halos isang dekada, hindi maikakailang kasama ni Go ang mga tao at komunidad ng Baguio at makahulugan at epektibo siyang nakipagtulungan sa kanila sa mga hakbangin sa kabuhayan, edukasyon, at barangay. humaharap sa mga hamon upang malampasan ang mga tagumpay na ito at higit na itaguyod ang mga pangangailangan at interes ng mga mamamayan ng Baguio sa Kongreso.

Nangako siyang ipagpatuloy ang tatak ng mabilis, karampatang, mahabagin at malinis na serbisyo ng nanunungkulan na Kongresista kasama ng isang tunay na paanyaya sa kanyang mga kapwa statemates, mga komunidad ng Baguio, at maging sa mga kasalukuyang nagsisilbing “Maka-Baguio”. “Habang marami na tayong napagtagumpayan sa ating adbokasiya para sa edukasyon at kabuhayan,mas matayog pa ang ating mararating kung lahat tayo ay uunahin ang Baguio, ang mga komunidad nito, at ang pagpupursigi na wala ng malalaglag pa sa laylayan.

Halina’t maging maka-Baguio Tayo,” pahayag ni Go. Habang sinusulat ang balitang ito ay walang naging malinaw na pahayag si Mrs.Go kung matutuloy ba ang pagtakbo ni Congressman Mark Go, para katunggali si Mayor Benjamin Magalong, na nakatakdang maghain ng kanyang CoC sa Oktubre 8,para sa kanyang huling termino.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon