SONA ni Digong, ayos ba?

Jul 30, 2017

Sa wakas natapos din ang ikalawang SONA (state of the nation address) ni Pres. Duterte. Marami ang nagsabing: tunay na malaman, makabuluhan, makatotohanan at prangka. Sabi rin ng iba: kulang. Hindi nabanggit ang hinggil sa ENDO issue at iba pang mga mahahalagang isyu na bahagi ng mga ipinangako raw noon ni Digong. Sabi naman ng mga analyst: ang pinaka-sentro ng mga nagampanan ng Duterte administration (droga, terorismo, kriminalidad) ay nailatag naman ng maayos. Ang termino ng pangulo ay di pa tapos. May limang taon pa. Dapat daw nating tanggapin na ang accomplishments niya sa loob ng unang taon niya ay katumbas na halos ng tatlong taong panunungkulan. Daplis naman ng iba: talagang ganyan ang ating lipunan. Kahit pa maganda na ang iyong ginagawa, pangit pa rin sa iba. Sabagay, kung may puna, mas matatag kung maitutuwid. Ang delikado kung sobra naman na ang pagpuna na wala namang naitutulong sa sosyodad, yan ay mapanira na, di ba?

******
Isang ikinagulat ng marami lalo na sa panig ng media ay ang pagkambiyo ng pangulong Digong sa kanyang dapat na rota pagkatapos ng kanyang SONA. Sa halip na dumeretso sa Malakanyang para sa Presscon, umakyat siya sa entablado ng mga rallyista at hinarap niya ang mga ito. Kung lilimiin, napakadelikado ang kanyang ginawa. Maaari siyang isabotahe o kaya’y saktan, o kaya’y patayin, di ba? Pero dahil gusto niyang pakinggan ng harapan ang daing ng mga militante at makakaliwa, humarap siya nang walang pakundangan, nang walang takot at pag-aalala sa kanyang seguridad. Wala pang pangulo ng bansa ang nakagawa nito, siya lang, ayon sa ulat. Kahit na sinisigawan siya at hinahataw sa eksenang yun at binubulyawan, hindi siya nasindak. Bagkus, sinabi niyang hindi siya natatakot sapagkat galing na siya sa estadong ganyan. Sana, naintindihan ng mga nakaharap niyang grupo ang katuturan ng kanyang pagharap. Batid ng lahat na totoo ang kanyang sinabi na may mga representante na sa kanyang administrasyon mula sa makakaliwa, katunayan, tatlo sa kanyang gabinete ang humarap din at nagsalita sa harap ng mga rallyista sapagkat sila ay mga leftist, ayon sa pangulo. Parang ang sinasabi ni Digong: hayaang ang mga hinirang niyang mga makakaliwa na nasa gabinete niya ang magparating sa kanya sa mga hinaing ng grupong ito. Sana, naintindihan ng naturang grupo ang gustong mangyari ni Digong.

*****
Kung magbabalik-tanaw tayo sa mga eksena tuwing matatapos ang SONA ng isang pangulo, mapapadighay ka pards. Merong eksenang halos di na makalakad ang pangulo pagkatapos ng SONA niya dahil sa sandamukal na securities nito kasama ang matataas na opisyal ng gobyerno. Sing-bilis pa ng kidlat na deretso sa naghihintay na bullet proof na sasakyan at lilihis sa kinaroroonan ng mga nagrarally. Meron ding eksena na kulang na lang na bitaytayin ang pangulo (pagkatapos ng SONA) at ilayo at itago sa tao at di mo na maaaring kausapin at deretso Malakanyang. Mga eksenang hindi nangyari kay Pres. Duterte. Halos mangisay na nga sa pag-aalala ang kanyang mga alalay sa kabubulong at takot na takot habang prangkahang pinagsasagot ng pangulo ang hiyaw ng mga rallyista sa kanyang harapan. Sabi nga ng mga damatan: yan ang tunay na pangulo. Taong-tao at hindi plastik. Tama siya nang sabihing: “bigyan ninyo ako ng tamang panahon para maisakatuparan ang mga programa para sa bayan!”. May nagkumento nga: Ang SONA ni Pres. Duterte ay perfect! Sinong nagsabi? Mismong si Kris Aquino, pards. Siya mismo. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest