Special Outreach Mission for PWDs

Muling nagsagawa ng Free Special Medical Mission para sa mga Persons With Disability (PWDs) ang kinatawan ng Health and Wellness program ni retired PNP General Benjie B. Magalong na dinaluhan ng mga taga-Irisan barangay.
Ito ay ginanap sa covered court ng Quirino Elementary School noong Linggo, Pebrero 24, 2019 na kinabibilangan ng ilang asosasyon ng Lions Club International, Baguio Burnham Chapter sa pamumuno ni Agnes M. Montoya, Pasig Bayanihan Lions Club at ang Caloocan Filipino-Chinese Charity Clinic na nagbigay ng suporta para sa mga serbisyong pangkalusugan sa mga may kapansanan.
 
 
MAR OCLAMAN/ABN

Amianan Balita Ngayon