Sta. Lucia Realty at Tunged clan, nagharap sa konseho

Feb 25, 2017

Nakakita ng kaunting liwanag sa kanilang suliranin ang mga miyembro ng angkan ng Tunged matapos sumang-ayon ang konseho ng lungsod na pansamantalang ipatigil ang pagde-develop, kasama na ang kasalukuyang fencing project, ng Sta. Lucia Realty and Development Inc. sa pinag-aawayang lupa sa boundary ng Baguio at Tuba sa Asin Road.
Sa kanilang pagharap sa konseho noong Pebrero 20, 2017 ay inihayag ni Monica Dominga, kinatawan ng Ibaloi land claimants na nagmula sa angkan ng Tunged, ang pagbabakod at paglalagay ng golf course ng Sta. Lucia Realty sa lupain na sakop ng pag-aari ng Tunged at sinasaklaw ng kanilang Certificate of Ancestral Land Claim (CALC) ay ilegal at paglabag sa kanilang karapatan bilang indigenous people.
Aniya, lumagpas na ang Sta. Lucia sa pagbungkal ng lupa na kanilang nabili sa Cariño clan na dapat ay 89 na ektarya lamang.
Dagdag pa niya, pati ang pinanggagalingan ng kanilang tubig ay tinabunan upang sila ay tuluyan nang mapaalis sa lugar at nasaktan ang isa nilang kasama matapos nitong sumakay sa isa sa mga bulldozer upang pigilan ang operasyon ng Sta. Lucia.
Hinaing pa ng mga tagapagmana ng Tunged clan, sa ginagawang development ng Sta Lucia ay hindi lang iisang puno ang kanilang itinumba maliban pa sa pagsira ng mga tanim na kabilang sa ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
Depensa naman ng kinatawan ng Sta Lucia Realty, hindi totoo ang naturang mga alegasyon dahil ang naputol na puno ay bunsod lamang ng nagdaang mga bagyo. Hindi rin umano totoo na nagkaroon ng pananakit at pananakot sa mga miyembro ng Tunged clan.
Maging ang ginagawang fencing at development ay naaayon sa batas dahil may hawak silang development permit.
Dagdag pa nito, dalawa ang hawak nilang development permits kung saan ang isa ay mula sa bayan ng Tuba at ang isa ay sa lungsod ng Baguio. Ang kanilang permit ay nilagdaan ni dating Vice Mayor Daniel Fariñas at aprubado ni Mayor Mauricio Domogan noong Oktubre 1997 sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Maliban dito ay may hawak ding environmental compliance certificate ang Sta. Lucia Realty upang maipatayo ang Pinewood Golf and Country Club Estates.
Ngunit, daing ng descendants ng Tunged, ang kanilang ancestral land claim ay nauna pa kaysa sa ipinapakitang permit ng Sta Lucia Realty.
Sa kasalukuyan ay ipinahinto ng konseho ang operasyon ng golf course at lahat ng development na ginagawa ng Sta Lucia sa naturang lugar.
Kung lalabag ay may karampatang parusa na P50,000 sa bawat araw na kanilang itutuloy ang operasyon.
Muling babalik ang dalawang panig sa susunod na pagdinig ng konseho upang ilahad ang kani-kanilang mga ebidensiya sa alegasyon ng bawat isa. Aubrey Morales, UC Intern / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest