LA TRINIDAD, BENGUET – Patay ang isang administrative aide ng ospital na pinamamahalaan ng gobyerno sa probinsiya ng Apayao sa harap ng ospital matapos ang trabaho nito hapon ng Abril 26.
Ang hindi pa nakikilalang mga suspek ay binaril at pinatay si Ricky Novus Vicente, 38anyos, sa harap mismo ng Far North Luzon General Hospital & Training Center sa Barangay Quirino, bayan ng Luna.
Si Novus, na residente ng Barangay Balasi, malapit sa bayan ng Flora sa Apayao, ay bubuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyang nakaparada nang huminto ang dalawang hindi pa nakikilalang gunmen na nakasuot ng jacket at ball caps sakay ng pula at puting motorsiklo halos 10 metro ang layo sa biktima.
Ang back rider na diumano’y bumaba ng motorsiklo ang lumapit sa biktima at pinaputukan ito.
Ang mga assassin ay tumakas patungong Barangay San Isidro Sur, Luna, Apayao sakay ng motorsiklo.
Nagtamo ang biktima ng siyam na gunshot wounds sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Dinala agad ang biktima sa emergency room ng parehong ospital kung saan nagtatrabaho siyang security guard at nurse subalit binawian ng buhay.
Ang mga pulis ng Luna at crime scene probers ay nakakita ng limang bala ng caliber 45 na baril.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nakalista sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watch list na kilala bilang drug user sa bayan ng Flora at boluntaryong sumuko noong Disyembre 8, 2016 sa Flora police station.
Ang mga otoridad ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay. A. ALEGRE
April 28, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025