Menor de edad na drayber ng dump truck, nabundol ang lola

Nabundol ng menor de edad na drayber ng dump truck ang isang lola bandang 10:55am ng Abril 25 sa Tabbac, Bulalacao, Mankayan, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng isang 15 anyos na binatilyo, magsasaka at residente ng Bangao, Buguias, Benguet ang dump truck na puno ng semento na paakyat sa nasabing lugar nang biglang tumakbo patawid sa kabilang lane ang biktimang si Julieta Lacbongan Nonan, 83, at residente ng Tabbac, Bulalacao, Mankayan, Benguet, upang sumakay ng pampasaherong jeep subalit aksidenteng nabunggo ng dump truck.
Ang biktima ay dinala sa Lutheran Hospital sa Buguias, Benguet at kalauna’y inilipat sa Benguet General Hospital sa La Trinidad, Benguet.
Ang menor de edad na driver ay dinala sa Mankayan MPS pati na rin ang dump truck. Isasangguni ang driver sa MSWD Mankayan, Benguet para sa tamang disposisyon.

Amianan Balita Ngayon