Anak, tinaga ng ama sa Ifugao

Isang 38 anyos na lalaki ang tinaga sa balikat ng sariling ama sa La gawe, Ifugao.
Nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Lagawe MPS mula kay SPO1 Edward Belingon ng Kiangan MPS na ayon sa Medical Personnel ng IGH Clinic, Natuwolan, Lagawe, Ifugao bandang 9:30pm ng Abril 25 na mayroong biktima ng pananaga ang dinala doon.
Nagpunta ang mga tauhan ng Lagawe MPS upang rumesponde sa ulat at nakilala ang biktimang si Vladimir Lablabong Dumapi, 38anyos, magsasaka at residente ng Sitio Akung, Cudog, Lagawe, Ifugao na diumano’y tinaga sa balikat ng kaniyang ama na si Rosendo Bahwao Dumapi, 64anyos, magsasaka at residente ng Sitio Tayawan, Cudog, Lagawe, Ifugao.
Habang ay biktima ay ginagamot ng medical personnel, nagsagawa ang mga rumespondeng tauhan ng PNP ng hot pursuit operation at pagkarating sa lugar ng insidente, boluntaryong sumuko ang suspek sa mga otoridad. Dinala ang suspek sa Lagawe MPS para sa mas malalim na imbestigasyon.

Amianan Balita Ngayon