Staging area ng basura ng Baguio, mamanmanan ng Tuba

TUBA, BENGUET – Iginiit ng pamahalaan ng Tuba na mahigpit nilang susubaybayan ang paglilipat ng basura mula sa lungsod ng Baguio sa bagong staging area na matatagpuan sa munisipalidad.
Ayon kay Tuba Mayor Ignacio Rivera, nais lamang nilang makasiguro na ang lungsod ay susunod sa No Touchdown Policy.
Dagdag pa niya na dapat ding imonitor at siguraduhin ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau sa Cordillera na ang mga probisyon tungkol sa pansamantalang paglipat ng mga basura papuntang Tuba ay masundan.
Sinabi ni Rivera na kaagad nilang ipagbibigay-alam sa kinauukulaang ahensya ng gobyerno kapag may problemang mangyayari lalo na kapag tag-ulan.
“If it produces foul odor and if it rains and the leak goes down the river, that’s a violation. So it is not only us who will monitor but also DENR and other government agencies involved,” dugtong niya.
Umamin si Rivera na nabigyan sila ng sulat galing DENR na tumulong para manatiling maayos ang staging area ng basura.
Napagdesisyunan ng mga lokal na opisyal ng Tuba na ang magiging lugar ng staging area ay nasa barangay Taloy Sur ngunit aaprubahan pa lang ito ng Environmental Management Board.
Ang mga basura galing Baguio ay dating pinupunta malapit sa barangay Upper Poblacion at tabi ng Marcos Highway kung saan ang mga residente ay malakas na sumalungat. PAULO GREG BENITEZ, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon