CAMP DANGWA, Benguet
Pinasinayaan ni Philippine National Police Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., ang bagong four-storey building ng Regional Forensic UnitCordillera sa loob ng Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad,Benguet,kaninang hapon, Pebrero 16. Ito ang kauna-unahang ‘state of the art’ building ng PNP sa buong bansa na may elevator, ginastusan ng P40 milyon at ginawa ng Department of Public Works and Highway-Cordillera sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Convergence Program.
Labis na pinasalamatan ni Azurin ang DPWH sa kanilang pamamahagi ng magaganda at makabagong disenyo ng PNP building hindi lamang sa Cordillera, kundi sa buong pulisya sa bansa.
“Maraming gusali na ang nagawa na, sa Police Regional Police-1 ay ibinigay din ito ng DPWH. I thank you that the DPWH is helping us to augment sa budget natin pagdating sa pagpapatayo ng mga building natin,because every year we will allocating P100 million to construct municipal police stations at ngayon nandito ang DPWH ay napapadali ang ating mga programang imprastraktura,” pahayag ng pahayag. ni Azurin.
Ayon kay Azurin, nakapalaking bahagi ng pulisya ang forensic unit para sa mga insidente ng krimen,kaya’t napapanahon na magkaroon sila ng opisina ng modernong kagamitan, mabilis ang proseso at pagsasaayos ng mga dokumento na hindi na dadalhin sa national headquarter. . “ Dahil modernong opisina at kauna-unahang may elevator ay nararapat lang na gawin nating moderno din ang mga kagamitan nito. Magiging prioridad namin sa national headquarters na mapag-usapan
ang mga kagamitan para sa malaanan agad ng pondo,” ayon pa kay Azurin.
Kabilang sa mga kagamitang naisip na ilalagay sa bagong pasilidad ay para sa pagsusuri sa profile ng DNA (deoxyribonucleic acid), ang mga magbibigay-daan sa paghahambing ng para sa ballistics ng mga baril, polygraph machine para sa lie detectors test, computerize facial composite upang makabuo ng facial drawing ng mga suspek, kagamitan para sa pagkilala ng mga baril bukod sa mga regular na serbisyong ginagawa.
Nagpasalamat din si Azurin kina Congressman Eric Yap,Gov.Melchor Diclas at sa ibang stakeholder na patuloy na sumusuporta sa pangangailangan ng Police Regional Office-Cordillera.
Sa pagbisita ni Azurin sa PROCOR siya rin ay personal na nagsuri sa kapakanan ng kanyang mga tao at dumalo sa groundbreaking ceremony ng Regional Intelligence Division & Regional Intelligence Unit 14 at ang Inauguration & Blessing ng bagong gusali ng Regional Forensic Unit – Cordillera.
Sinamantala rin niya ang pagkakataong makausap ang mga kalalakihan at kababaihan ng PROCOR kung saan pinuri niya ang pagsisikap ng mga pulis sa pamumuno ni Brig.Gen. Mafelino Bazar at ang mga miyembro ng command group para maging ligtas at mapayapang tirahan at pasyalan
ang rehiyon ng Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN