STATEMENT OF BLOOMP IN 55TH ANNIVERSARY OF CPP-NPA-NDF

MAALAB NAPAGBATI!!! “ Taktikang Mula sa kanayunan patungong kalunsuran alinsunod sa prinsipyo ng matagalang digmang bayan , mula sa stratehikong depensiba patungong stratehikong opensiba ito ang gabay sa
matagumpay na pagpapanalo sa rebolusyong Pilipino.”muli nanaman ipapangalandakan ang mga katagang ito sa
darating na ika 55th annibersaryo ng BAGONG HUKBONG BAYAN O NPA ang nagsisilbing armadong pwersa ng CPP ngayong buwan ng marso.

Gusto lamang po naming ilahad na ang taktika at stratehiya na sinusunod ng rebolusyonaryong kilusan na ito ay Sistema ng isang mapanlinlang na pamamaraan para mabulag ang mga kasapi mapakadre man o pulang mandirigma para tumagal ang kanilang pagkontrol sa kaisipan nila at pinipilit na isaksak sa isipan nila na likas lang ang sakripisyo’t hirap na madadaanan sa pagtahak ng daan na ito, napakasakit isipin na ang isang taong nais magsilbi sa bayan ng taos puso at handang ibuwis ang kaniyang buhay sa diwa ng nasyonalismo ay nililinlang pa
at nilalason sa maling prisipyo at adhikain.

Ang katotohanan lamang sa ganitong taktika at stratehiya ay ang pagsayang lamang ng lakas, talino at kabataan ng
isang mandirigma at higit sa lahat ang pagbuwis ng buhay na wala man lang nararating ang pinaghahandaang
tagumpay ng rebolusyon, marahil hindi lingid sa ating lahat na ang rebolusyonaryong kilusan ay naglunsad na ng ilang beses na “dakilang pagwawasto” para daw maiwasto ang kamalian ng organisasyon pero ito ay nagsasalamin lamang ng walang puso’t kaluluwang itsura ng isang pamumuno.

Ginagawa nilang experimento ang rebolusyon. Sa mga nasayang na panahon at buhay masasabi pa bang ito ay isang “dakilang pagwawasto”? Kaya muli sa kanilang annibersaryo, gusto naming ihatid na ang araw na ito ay bigyang kahulugan ninyo ang katagang “para kanino ako” para masagot kung tama pa ba ng daang inyong tinatahak. Sa kabila nito kami ay nanawagan na sana sa araw ding ito ay hindi annibersaryo ng mapanling na organisasyon ang inyong ipag-diwang kundi ang muli pagyakap sa tunay na diwa ng nasyonalismo.

Nandirito kami handang ipaalam ang magandang karanasan sa pagbabagong buhay at sa gabay ng NTF ELCAC, sabay nating tahakin ang tamang daan ng paninilbihan sa bayan! Muli maraming salamat at magandang araw sa ating lahat!

Amianan Balita Ngayon