CAYETANO, SUPORTADO ANG MAS MATATAG NA ANTI-SCAM MECHANISMS SA AFASA BILL

Sa pagnanais na sundin ang halimbawa ng antiscam protocol ng Singapore, isinusulong ni Senator Alan Peter Cayetano ang mas matatag na mekanismo na iminungkahi ng AntiFinancial Account Scamming Act (AFASA), isang bil ni Senador Mark Villar. Ito ay kasunod ng pagsusuri ng Senado sa AFASA bill na naglalayong labanan ang pagdami ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga bangko, e-wallet, at iba pang financial institutions. Ang AFASA bill ay magbibigay-daan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suriin ang mga financial account na sangkot sa mga
ipinagbabawal na gawain.

Nauna nang nagtaas ng alarma si Cayetano, na kasalukuyang nagsisilbing Senate Chair para sa Science and Technology Committee, sa “digital highway robbery” noong nakaraang taon upang bigyang-diin ang kahinaan ng
pag-access ng mga data sa internet. “Ang digital highway ang ating problema. Maraming may akala na noong pinasa natin ang SIM card registration, mababawasan na nang husto ang mga nanloloko. Pero as you have seen, the digital way of extorting money, scams, and schemes is only one way,” wika niya.

Bukod dito, patuloy din niyang isinusulong ang mga hakbang laban sa katiwalian sa loob ng gobyerno. Noong 2016,
kasama ang running-mate na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, itinulak ng senador ang pagtanggal sa Bank Secrecy Law upang pigilan ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagnanakaw sa pondo ng bayan. “Bolder solutions are
needed to end this disorder,” wika niya sa isang panayam. Bahagi ng kanyang pagtugon sa katiwalian at mga krimen sa pananalapi sa bansa, binisita ni Cayetano ang AntiScam Center ng Singapore Police Force noong Marso 6, 2024.

Ang Anti-Scam Command (ASCom) ng Singapore, na naging operational noong Marso 22, 2022, ay naglalayong
pahusayin ang kolaborasyon ng iba’t ibang unit na nakatuon sa paglaban sa mga scam sa ilalim ng Singapore Police Force (SPF). Pinagsasama-sama nito ang mga hakbang ng scam investigation, incident response, intervention,
enforcement, at analytical capabilities bilang iisang entity. Inilarawan ni Cayetano ang pagbisita bilang isang
pagkakataon upang makakuha ng mga kaalaman sa framework at operasyon ng Center, na maaaring magamit sa
pagpapalakas ng anti-scam mechanisms sa Pilipinas.

“Napakadelikado ng hacking for many reasons. It can destroy established institutions and systems that keep the country running. If we don’t solve [scamming and hacking], magkakaroon ng mas sinister [na mangyayari] at patuloy ang breaches in our cybersecurity” wika niya.

Amianan Balita Ngayon