2,000 UB STUDENTS, DUMALO SA DRRM SEMINAR

BAGUIO CITY

Mahigit 2,000 estudyante ang dumalo sa kakatapos na Disaster Risk Reduction and Management Seminar, na ang pangunahing tinalakay ay ang iba’t ibang sakuna gaya ng bagyo, lindol at sunog na ginanap sa University of Baguio Gymnasium, kamakailan.  Isinusulong ng University of Baguio ang pagbibigay ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) seminar sa layunin nitong magbigay kaalaman patungkol sa kahandaan at preparasyon sa anumang sakunang maaring mangyari.

Ang naturang aktibidad ay taunang ginagawa, katuwang ang University of Baguio – Risk Management Office (RMO), upang maibahagi ang kanilang kaalaman pagdating sa mga usaping sakuna at kung paano ito mapaghahandaan. Target din ng nasabing DRRM seminar ang mga first year students, hindi lamang ng mga medical-allied students, kundi pati na rin sa iba pang mga estudyante gaya na lamang sa Liberal Arts, na parte ito ng kanilang course na National Service Training Program 2 (NSTPRO2).

Layon nitong magbigay ng edukasyon at kaalaman sa mga estudyante hinggil sa iba’t ibang paksa, mula sa pang-unawa sa iba’t ibang uri ng mga kalamidad hanggang sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad. Sa naging talakayan, ibinahagi ni Christopher Teoxon, ng City Disaster Risk Reduction and Management Center, ang kahalagahan ng seminar na magsisilbing gabay ng mga estudyante sa anumang sakuna at paghandaan ang mangyayari pa.

“Seminars like this one are crucially important since unfortunate situations are unpredicted and the history shown by the speaker with regards to a series of drastic effects of disaster happened in other countries is already a lesson for me that the seminar must be taken seriously considering that we are in high mountainous terrain which in any time we can experience catastrophic events that could cause a serious impact to me and the whole city as a whole,” pahayag naman ni Klein Villanueva, student ng School of Teacher Education and Liberal Arts.

By: Jether Adriel F. Cabanlong/UB Intern

Amianan Balita Ngayon