BAGUIO CITY
Ang Balay Sofia ay nagbukas ng kanilang kauna-unahang art exhibit sa Baguio Museum at ibinida ng mga bata ang kani-kanilang mga likhang paintings, mixed media, at iba pang proyekto, na matutunghayan hanggang Mayo 30. Ang kilalalng artist na si Marge Gomez, na kanila ring art teacher ng Grade 9, at isang sector representative ng Cretive Baguio City Council ang nag- organisa nitong eksibit.
Isinama na rin ang mga artworks ng mga artistikong magulang ng mga estudyante, at ang mga likha rin nga mga titser sa Balay Sofia. Dumalo sa exhibit si National Artist Kidlat Tahimik, na nagpamalas ng kanyang film screening ng kaniyang mga lumang pelikula. Ito rin ay binebenta niya sa halagang P1,234 at ang lahat ng mapagbentahan niya dito ay mapupunta sa Balay Sofia.
Ito rin ang unang batch na mayroong grade 9. Ayon kay Gomez, ang mga bata ay matalino sa paggawa ng kanilang likha at karamihan sa mga magulang ng mga estudyante ay artists, painter, crafter, at meron din chef. Sa mga susunod na taon ay itutuloy ang pagpapa-exhibit ng Balay Sofia, at magkakaroon na rin ng grade 10 kung saan magtuturo na sila ng colored art tulad ng acrylic, oil painting, at watercolor. Ang mga grade 9 naman na kalahok ngayon ay may tema na black and white, dahil ito ay parte ng pagiging teenager.
By Via Cadiente/Intern
May 5, 2024
May 5, 2024
September 10, 2024
September 3, 2024
September 2, 2024
July 7, 2024