INTERNATIONAL DANCE DAY, IPINAGDIWANG

BAGUIO CITY

Ipinagdiwang ang taunang International Dance Day, na na inorganisa ng Dance Association of Baguio City, kasama ang NCCA National Committee on Dance, na ginanap sa The Manor,Camp John Hay,Baguio City,noong Abril 27. Nagtanghal ang mga grupong Alonge Dance Studio, Aloha Philippines, Baguio City Dancesport Team, Ballet Baguio, BCNHS-Special Performing Arts Dance, HOME: A Company of Creatives, SLU Dance Troupe, So What Street Dance Company, UB Graces Dance Troupe, UC Dance Company & UC Dance Squad, UC Saeng Ya Kasay, at WAYA Creatives Dance Studio.

Ipinakita dito ang kani-kanilang talento sa pagsayaw , maipahayag ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng sayaw, at maibahagi ang kanilang kwento bilang isang grupo. Ayon kay Darwin Contaoe, miyembro ng UB Graces Dance Troupe, ang ganitong klaseng selebrasyon ay nagbubuklod sa mga katulad niyang mananayaw at nagbibigay daan upang ipakita ang kanilang talento, Tinatayang hindi bababa sa 200 katao ang dumalo sa selebrasyon. Ito ay
may 150 pesos na entrance fee para sa mga bisita, na magiging pondo para sa susunod na taon. Ipinrisinta ni Rebecca Lim Nulud, ang Presidente ng Dance Association of Baguio City, ang mga certificate sa mga grupong nagtanghal. Natapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng unity dance kasama ang lahat ng grupo at mga nag-organisa.

By Raymond Macatiag/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon