HUSAY AT TALENTO, IPINAGDIWANG SA PAGTATAPOS NG BIYAG FESTIVAL

LA TRINIDAD, Benguet

Nagtapos ang ika-tatlong taon ng Benguet Youth Arts Guild (BIYAG) festival na may pagkilala sa mga kabataan ng Benguet na nagpamalas ng kani-kanilang mga talento at kahusayan sa iba’t-ibang kompetisyon na isinagawa sa isang linggong selebrasyon.  Sa pangununa ni Governor Dr. Melchor Daguines Diclas, sila ay pinarangalan sa ginanap na Awards Night at Closing program ng nasabing aktibidad sa Provincial Capitol noong Biyernes, Abril 25. Unang pinarangalan ang mga kabataan na sumali sa BIYAG Ped-agan Creative Writing.

Sa kategoryang poetry, pinarangalan sina Shekinah B. Homrebueno, Cris O. Padilla, at Demi Joyce Nana (winner). Sa essay writing ay sina Engeleyn O. Sagongen (winner), Coren Joy M. Adchao, at Shekinah B. Homrebueno. Sina Sylvester C. Anamong, Milliscent C. Lucio, Cris O. Padilla, at Atheena C. Madlaing (winner) naman sa kategoryang short story. Sunod na pinarangalan ang mga grupo na sumali sa Battle of the Bands at Hip-Hop Dance Competition na ginanap sa Benguet Sports Complex.

Sa acoustic singing competition, nanalo ang mga grupong Rhythmic Band (3rd place), El Bimbo (2nd place), at Hermanos Band (1st place). Sa Bands of the Highlands competition ay ang Urishan Band (3rd place), San-Aaki Band (2nd place), at Dayat Band (1st place). Nanalo naman ang mga grupo ng mananayaw na NXM-Crew (3rd place), So What Street Dance Company (2nd place), at TeamSoWhat Femme (1st place) sa hip-hop dance competition.

Sa E-Sports competition, apat na grupo ang pinarangalan, ang Pin Sanity (3rd runner up), Nexus (2nd runner up), at ChatGPT (1st runner up) at ZR Insanity (Champion). Pinarangalan din ang mga estudyante mula sa Benguet State University na sumali sa Debate competition. Nasungkit ng opposition team ang championship habang 1st runner up
naman ang Government team. Nanalo naman si Julia Franchesca S. Cabigon bilang Best Speaker at Kenneth M. Aroco bilang Best Debater. Huling pinarangalan ang mga lokal na influencers ng Benguet sa kanilang kontribusyon sa pagpapalaganap ng mga halaga, kultura, at turismo ng probinsya.

Nanalo ang FDG Stages sa Benguet Culture, Arts and Education/Information category, King Brandy Venturer sa Travel and Tourism category, The Poor Traveler sa Benguet at Heart category, at Gorgeous George sa entertainment category. Nabigyan naman ng Special Citation awards ang Igorotaku TV at Mayamaja96 Maya Maja. Nakatanggap din ng Social Media Special citation award si Laurie Amor Ventura para sa kanyang mga komposisyon at kanta.
Nagpasalamat si Gov. Diclas sa mga kabataan ng Benguet at hinikayat niya silang patuloy na sumali sa mga aktibidad na nagpapakita ng kanilang talento. Dagdag pa niya, “We will continue making a venue for the youth to share and express their talents”.

By Ruffa Mae T. Payangdo/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon