Sto. Nino hospital gagawing COVID-19 treatment facility

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakuha ng pamahalaang lungsod ang pahintulot ng mga may-ari ng Sto. Niño Hospital, isang 36-bed capacity medical facility sa P. Burgos St. na natigil ang operasyon noong 2009 upang magsilbing treatment facility ng Coronavirus Disease (COVID19).
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na siya, si Dr. Willy Occidental at City Administrator Bonifacio Dela Peña ay nakipagkita sa mga may-ari ng ospital na magandang-loob na pumayag sa paggamit ng lungsod sa pasilidad ng libre.
Layon ng lungsod na gamitin ang pasilidad bilang exclusive critical unit para sa mga pasyente ng COVID-19 upang maihiwalay sila mula sa mga hindi-COVID na pasyente at maiwasan ang pagkahawa ang Baguio General Hospital and Medical Center at iba pang mga ospital.
Sinabi ni Dela Peña na nagpahayag ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Bonifacio Bustos sa plano at pumayag na tutulong makuha ang pagsangayon ng komunidad para sa marangal na intensiyon.
Siniguro ng mga doctor at eksperto sa nakakahawang sakit na lubos na maproprotektahan at makontrol ang pasilidad upang maiwasan ang panganib sa komunidad.
Nag-umpisa na ang paghahanda para sa operasyon ng pasilidad na ang St. Louis University Hospital of the Sacred Heart sa pamumuno ni Medical Director Dr. Paul Adlai B. Quitiquit bilang mangungunang grupo.
Magsasagawa sila ng pagbisita sa lugar upang suriin ang kapasidad para sa intensive care unit, operating room, dialysis at deliveries at iba pang pangangailangan sa equipment, manpower at supplies.
Kukunin muli ang mga pasilidad at manpower mula sa ilang ospital, sa Department of Health at sa pamahalaang lungsod.
Isang malawakang paglilinis sa gusali ang isinagawa rin ng lungsod kasama ang mga trainee ng Baguio City Police Office at personnel mula sa City Building and Architecture Office, City Environment and Parks Management Office, City Tourism Operations Office at ng City Disaster Risk Reduction Management Office.
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon