Street parade competition, sinuspindi dahil sa ulan

Sinuspindi ni Mayor Mauricio Domogan ang kompetisyon ng grand street parade-elementary division sa pagbubukas ng pagdiriwang ng Panagbenga Flower Festival 2017 sa Athletic Bowl, ala una ng hapon noong Pebrero 1, 2017.
Ayon kay Domogan, anim na eskwelahan ang hindi nakapag-perform dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Aniya, itutuloy ang paligsahan sa Pebrero 25 kung saan sasalang ang 12 paaralan sa elementarya para sa elimination round.
Pipiliin ang pitong pinakamagagaling na eskwelahan para lumaban sa grand finals na gaganapin sa Pebrero 28.
Ang bawat kalahok ay maghahanda ng limang minuto para sa forward motion at tatlong minuto para sa spot performance.
Pupuntusan ang bawat kalahok depende sa performance na kanilang ipapakita sa mismong kompetisyon.
Ang tema ng 22nd Baguio Flower Festival 2017 ay “Inspired by beauty, nurtured by nature” na sumisimbolo sa ganda ng paligid at kultura ng mga taga-Baguio.
Kasunod ng Panagbenga opening ceremony and parade ay ang pagbubukas ng Baguio Blooms Exhibition and Exposition na susundan ng tradisyunal na mga aktibidad na kinabibilangan ng Handog ng Panagbenga sa Pamilyang Baguio, Grand Street Dance Parade, Grand Float Parade, Session in Bloom, Pony Boy’s Day, Flower Tee Golf Tournament, School-based on Landscaping and Floral Design, Grand Fireworks Display at matatapos sa Closing and Awarding Ceremonies sa Marso 5.
Nagsimula ang parada sa Panagbenga Park papuntang Session Road, pababa sa Harrison Road at nagtapos sa Baguio Athletic Bowl. Ma. Carmina C. Lipio, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon