PINAGPAPALIWANAG ni Senador Imee Marcos ang Department of National Defense at Armed
Forces of the Philippines sa paglipat ng 39 milyong galon ng langis ng U.S. Navy mula sa Pearl Harbor patungong Subic. Ang mga datos mula sa ilang international shipping tracker ay nagpapakita na ang kargamento ng langis ay nilagak sa U.S.-registered tanker na Yosemite Trader sa Pearl Harbor noong Disyembre 20 at pumasok sa teritoryo ng Pilipinas noong Martes.
Sa kasalukuyan, nananatili ang Yosemite Trader sa kanyang posisyon mga 50 kilometro kanluran ng Subic Bay, ayon sa shipping tracker na Marine Vessel Traffic. Dismayado si Marcos, na pinuno ng Senate Committee on Foreign Relations, sa “hindi maipaliwanag na pananahimik” ng parehong pamahalaan ng Pilipinas at U.S. bago ang paglalayag ng barko na nagdudulot lang ng pangamba
sa pre-positioning ng military supplies sa bansa sa gitna ng mga prediksyon ng isang posibleng digmaan sa pagitan ng China at U.S. hinggil sa Taiwan.
“Naulit na naman! Ito ay strike three na ng pagtatangkang ipagkait sa sambayanang Pilipino ang
karapatan na malaman ang ganitong mga bagay,” sabi ng senador. Sa mga pagdinig na ginanap ng Senate Committee on Foreign Relations noong nakaraang taon, ibinunyag ni Marcos ang lihim na kahilingan ng U.S. na magpatuloy ng mga Afghan refugees sa Pilipinas at ang pagkukulang sa abiso
hinggil sa mga pagdating ng mga C-17 Globemasters sa mga domestic at international airports ng bansa.
“Hindi lisensya ang Mutual Defense Treaty para iwan ang sambayanang Pilipino sa dilim,” deklara ng senador. “Hindi EDCA site ang Subic, kaya saan sa teritoryo ng Pilipinas ilalagak ang milyunmilyong galon ng langis?” “Hindi lamang ito isang isyu ng foreign policy kundi ng soberanya ng Pilipinas, pati na rin ng kaligtasan ng kalikasan. Dapat may malinaw na paliwanag ang pamahalaan dito,” diin ni Marcos.
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024