Student incentive fund ng lungsod ipinapatupad na, ayon sa ulat

LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinapatupad na ang “Baguio City Public High School Student’s Incentive Fund Ordinance” (Ordinance No. 110, series of 1998, as amended) ayon sa isang legislative monitoring at evaluation status report na isinumite kay Vice Mayor Faustino Olowan.

Ang hakbang ay inamiyendahan ng mga ordinansang mga numero 3, series of 1990; 63, series of 1992; 1, series of 1993; at 49, series of 2001. Sinabi sa ulat na ang mga kinauukulan/ tagapagpatupad ng ordinansa ay ang City Budget Office; Department of Education-CAR, Baguio Division; Baguio City National High School at Pines City National High School.

Sinabi dito na base sa impormasyon at rekomendasyong isinumite ng mga namumuno sa mga kinauukulang opisina, ahensiya at institusiyon, ang ordinansa bilang naamiyandaha ay ipinapatupad na.

Upang mapahusay pa at mapalakas ang implementasyon ordinansa ay nagbigay ang status report ng mga rekomendasyon: “In addition to the recipients of incentives in the existing legislations, the following students in all Baguio public schools be included: Any student who becomes a member of the Supreme Pupil and Student Governments; those who represent the city and won in any DepEd-recognized/endorsed competition in the regional, national, international level; any student from the special journalism program and senior high school students.”

Sinabi na, sa halip na isang fixed amount na nakasaad sa ordinansa, isang formula na kabilang ang factors na maaaring makaapekto sa halaga ng mga insentibo gaya ng inflation rate na maaaring ma-formulate upang masiguro na ang hakbang ay hindi na kailangan ang pabago-bago na sumusunod sa kondisyon ng ekonomiya.

Ang multiple incentives na ibibigay sa mga estudyante kung ma-qualify sila sa ilalim ng alinman o lahat ng mga iba-ibang kategorya itinakda ng ordinansa; at kabilang ang allowances ng mga kalahok sa special program sa ats, sports at journalism.

GK-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon