LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Ini-reimburse ng Department of Agriculture Regional Office1 (DA-RFO-1) ang subsidiya sa abono ng nasa 103,726 magsasaka ng palay sa rehiyon ng Ilocos kamakailan lamang. Ang halaga ng reimbursement ay umabot sa PhP206,662,275 na 75 porsiyento ng budgeted appropriations.
Ayon sa DA-RFO1, ang kabuuang halagang inilaan ay nasa PhP273,434,940 at mabebenipisyuhan ang 165,376 farmer-beneficiaries alinsunod sa Rice Banner and Plant Plant ng DA na mga programa ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Toa Duterte.
“Farmers who planted inbred rice variety will just purchase two bags of inorganic and two bags of urea while for those who planted hybrid rice variety will buy two bags of inorganic and three bags of urea to avail of the fertilizer subsidy reimbursement program,” ani DA-RFO1 officer-in-charge Regional Executive Director Nestor Domenden.
“From among the four provinces in the region, only the province of Pangasinan has completed the payment to 45,988 farmer-beneficiaries,” dagdag niya Domenden. Isa pa, amg programa ng DA RFO1 ay mabibiyaan ang kabuuang 8,971 mga magsasaka sa La Union na nagkakahalaga ng PhP14,199,932; 29,681 mga magsasaka sa Ilocos Sur na may kabuuang subsidy reimbursement na PhP47,096,416; at 19,086 magsasaka sa Ilocos Norte na amy kabuuang subsidiya na PhP40,511,988.
Sa kasalukuyan, ang pamamahagi ng distribution codes sa tatlong probinsiya para sa pagkuha ng reimbursement sa pamamagitan ng MLhuillier, ang official partner money remittance ay iprinoproseso pa.
Sinabi ni Domenden na ang fertilizer reimbursement scheme ay bahagi ng Rice Resiliency Program ng DA upang tulungan ang mga magsasaka na mapababa ang kanilang gastos sa produksiyon at isang paraan upang mabawasan ang epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan.
Samantala, nakatutok sa pagpapahusay sa kakayahan ng mga magsasaka ang Technical Educational Skills Development Authority (TESDA) Cordillera Region ay iniulat ang probisyon ng kanilang mga serbisyo sa Kapangan, Benguet sa Laging Handa Network News Briefing noong Pebrero 2.
“In our town, almost 80 percent are farmers and we started supporting them by providing training on organic farming and product marketing,” ani Kapangan Mayor Manny Fermin Lamut. Sinabi ni Lamut na nakita ng local government unit ang resulta ng development program dahil nakapag-deliver na sila ng mga produkto at iniaalok na nila ngayon sa mga mall ng SM sa Baguio City at Laguna.
(AHFF-PIA1/PMCJr.-ABN)
February 6, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025