Suporta sa media security bill hinimok ni Andanar sa mamamahayag

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinimok ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga media practitioners sa Baguio na suportahan ang media security and welfare bill na nakabinbin sa Kongreso ngayong taon.

“How do we move forward? Gather together and be on one page. If we can make a councilor, vice mayor, mayor, President win, why can’t we win for ourselves,” aniya sa isanagawang media engagement sa lungsod.

Ang draft bill ay isinumite ng PCOO at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Sinabi ni Andanar na ang panukala kung maipasa bilang batas ay titingnan ang pangkalahatang kapakanan ng mga media practitioners, ang economic vulnerability ng mga nasa sector at tugunan ang mga isyu sa pabahay, regular employment, job security, health benefits, at medicare.

Sinabi niya na sa ilalim ng administrasyong Duterte, ilang hakbang para sa kapakanan ng media practitioners at manggagawa ang inumpisahan. Sinabi ni Andanar na ilang mga miyembro ng media ay mababa ang kita dahil marami sa kanila ay block timers na kumukuha ng mga sponsor para mapatakbo ang kanilangprograma at nahahalo sa politika ng kanilang mga sponsor sa kanilang kalaban o kakompetensiya.

“Yung mga kabaro ho natin sa mga ibang lugar, probinsiya, napaka taas ng economic vulnerability, sila ay nagiging block timer, pag nag blocktime, kukuha ng sponsor, more often, politiko po yung sponsor. Uutusan sila ng politico na tirahin, magagalit, mabi-bwisit [sa kanila], dun nagsisimula. Kung di madaan sa usapan, eh bala ang katapat,” ani Andanar.

Sinabi niya na ang PTF0MS sa pangunguna ni Joel Egco ay nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tingnan ang kapakanan ng bawat mediapractitioner sa bansa at tugisin ang mga kriminal na nagtatangka sa buhay o pumatay sa mga mangagawa sa media.

Mula ng mabuo, ito ay naging aktibo sa pagmonitor sa kaso ng Maguindanao massacre na nauwi sa pagpatay sa 57 katao kabilang ang 32 media practitioners noong Nobyembre 23, 2009.

Sinabi ni Andanar na nakikipag-ugnayan ang task force sa mga pamilya ng mga biktima, nagmomonitor sa pag-usad ng kaso. “On the second anniversary of the massacre under President Duterte, he invited the families of the victims and promised them that he will do everything to finally resolve the case,” Noong nakaraang Huwebes ay ibinaba ng korte ang pasiya sa Maguindanao massacre na binigyan ng hatol na “nagkasala” ang karamihan sa mga akusado matapos ang 10 taon.

“Ang sinasabi ng critics natin napakabagal pero at least kahapon may closure na kahit papaano. Sinasabi ng mga kritiko natin na walang pagrespeto sa human rights ang administrasyong Duterte, pero kita niyo naman, after 10 years na hinihintay natin ang hustisya sa 57 na pinaslang, nangyari sa administrasyon ng Pangulong Duterte,” ani Andanar.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon