DOE kinansela ang 3 kontrata ng Goldlink energy sa Asin hydro-plants

LUNGSOD NG BAGUIO – Kinansela ng Department of Energy (DOE) ang tatlo sa apat na renewable (hydro) energy service contracts (HSCs) na naipagkaloob sa Goldlink Global Energy Corp. matapos maitatag na ang contract area
ay nag-overlap sa mga pasilidad ng pag-aari ng lungsod na Asin mini-hydroelectric plants at nakagawa ang kompanya ng “serious misrepresentation” sa pagsulong ng mga kontrata.
Sa isang pitong-pahinang resolusyon na nilagdaan ni DOE secretary Alfonso Cusi noong Disyembre 4 ay kinansela ang HSCs na may numerong 2104-364 para sa proyekto ng Goldlink sa Sallapan, 2014-01-365 para sa Nangalisan at 2013-05—249 sa Tadiangan,lahat sa Tuba, Benguet.
Ang pasiya ay pumabor sa pamahalaang lungsod ng Baguio kung saan noong 2015 ay hiniling ang pagwawalangbisa sa tatlong HSCs kasama ang Kanggas project ng Goldlink na may numerong 2013-05-248 subalit nauna ng pinawalng-saysay ng DOE dahil nasal abas ng Asin hydropower systems.
Iginiit ng pamahalaang lungsod na ikinatawan ni Atty. Isagani Liporada ng City Legal Office sa kaso na ang HSCs ay
sakoplahat ang Asin River kung saan kumukuha ang tatlong mini-plants ng kanilang tubig at samakatuwid magdudulot ng masamang epekto sa operasyon ng kasalukuyang mga planta.
Inakusahan pa ang Goldlink ng “surreptitiously concealing from the DOE the existence of the Asin Plants within the areas subject of its application” para lamang makuha ang mga kontrata.
Samantala aypinanindiganan ng Goldlink na balido ang HSCs at “separate and distinct” sa Asin plants at kinuwestiyon din ang “legal personality” ng lungsod sa paghamon sa kanilang kontrata dahil sa katotohanan na walang HSC ang lungsod sa ilalim ng sariling pangalan nito na patakbuhin ang Asin plants.
Gayunman, naitatag ng DOE na ang lungsod ay “possesses legal personality to be a complainant and impugn the subject HSCs… considering (its) legal and economic interests over the Asin Plants…”
Pinatunayan din ng DOE ang sakdal sa overlapping facilities at ang intensiyon ng Goldlink na maling pagpapakilala at linlangin ang departamento upangaprubahan ang HSCs. ”The lone weir of Tadiangan HSC (of Goldlink) overlaps with one of the weir sites for Asin Plant 1; the approved contract area for Tadiangan HSC was changed without prior DOE approval as determined from Goldlink’s Feasibility Study where Goldlink proposed four weirs that overlap with the weirs of the existing Asin Plant 1; “The awardee Sallapan HSC of Goldlink overlaps with the weirs of Asin Plant 2; and the awarded Nangalisan HSC overlaps with Asin Plant 3.”
Sinabi ng DOE na ng komprontahin ang kompanya ukol sa posibilidad ng overlap, ay pinasunalingan ito ng Goldlink na sinigurong na may malayong distansiya na maaaring “kapuwaumiral” ang dalawang pasilidad.
“Based on the above findings, it was confirmed that Goldlink’s representations were made with the sole intent to mislead the DOE… Being among the prospective bidders in (city’s) procurement process for the operation of the Asin plants, Goldlink cannot feign ignorance (of the possibility of overlapping and) we find that having full knowledge of the existence of the Asin plants, Goldlink fell short of the basic and generally accepted tenet in human relations (honesty and good faith),” pagbibigay-pansin ng DOE.
“(The subject three HSCs) are hereby cancelled and revoked, the same being void and having been issued over an area that is not free and open for award under (Republic Act 9513) and in view of Goldlink’s misrepresentation that they can co-exist with the existing Asin Hydro-power facilities.., when in truth and in fact, they overlap and are in conflict with each other,” pahayag ng DOE.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon