P1.4-M marijuana plant binunot sa Benguet

CAMP DANGWA,Benguet – Bago sumapit ang Pasko minabuti ng mga tauhan ng Benguet Police Provincial Police ang pagbubunot at pagsung sa mahigit sa 4,000 fully grown marijuana plant na kanilang nadiskubre sa iba’t ibang plantation site sa bayan ng Kibungan at Bakun, sa lalawigan ng Benguet.

“Mas mainan na hindi mapakinabangan at maikalat sa merkado ang mga illegal na tanim na ito ngayong kapaskuhan,”pahayag ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director.

Nabatid na tatlong plantation sites sa Sitio Basi, Barangay Tacadang,Kibungan,Benguet ang sinalakay ng magkakasanib na pulisya at PDEA at sinuonog ang may 2,350 fully grown marijuana plant na umaabot sa halagang P470,000, noong Disyembre 23. Unang nagsagawa ng marijuana eradication ang pulisya Noong Disyembre 14 sa Sitio Bagiw na may halagang P410,000.

Umaabot naman sa 1,800 fully grown marijuana plant ang sinunog sa 3 plantation site sa Kayaba,Bakun,Benguet na may halagang P360,000.00. Kinabukasan ay muling nagsagawa ng marijuana eradication ang puliya sa Bakun, Benguet at pinagbubunot ang may 450 fully grown marijuana plant na may DDB value na P90,000.

Ang bayan ng Kibungan at Bakun ang natatanging may taniman ng marijuana at ang bayan ng Kapangan,na kilalang marijuana towm noon ay nagawang gawing agriculture produce ng mga nagkakaisang magsasaka sa tulong ng municipal at government official na tutol sa pagtatanim ng illegal na droga.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon