Kaso ng typhoid fever tumaas ng 36 porsiyento sa Cordillera

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Department of Health office sa Cordillera (DOH-CAR) ang isang bahagyang pagtaas ng mga kaso ng typhoid fever sa rehiyon na pumelo sa 36 porsiyento na may naitalang 3,242 kaso sa unang labingisang buwan ng taong 2019 kumpara sa 2,366 kaso sa parehong peryodo noong nakaraang taon.

Base sa datos na nakuha mula sa regional epidiomology and surveillance unit (RESU) ng DOH-CAR, may dalawang kaso ang naitala ng ahensiya kumpara sa walang kaso ng typhoid fever sa parehong peryodo noong nakaraang taon na naglarawan ng 200 porsiyentong pagtaas sa kamatayan sanhi ng nakamamatay na sakit.

Isa pa, binigyan-pansin ng departamento ng kalusugan ang clustering ng typhoid fever cases sa rehiyon na nag udyok sa iba’t-ibang disease reporting units na nakabase sa iba’-tibang lugar upang turuan ang tao sa mahahalagang impormasyon sa pag-iingat at mahadlangan ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga apektadong tao.

Ayon sa mga eksperto ng kalusugan, ang typhoid fever ay isang “systematic bacterial disease with insidious onset of sustained fever, severe headache, malaise, anorexia, splenomegaly, non-productive cough in the early stage of the illness and constipation more often than diarrhea in adults.”

Sinabi pa ng mga opisyal ng kalusugan na ang impeksiyon ay naihahawa sa pamamagitan ng pagkain ng kontaminadong dumi (tae), pagkain at tubig. May mga preventive measures na dapat gawin upang maiwasan ng tao na makontamina ng nakamamatay na sakit gaya ng ugaliin ang tamang paghuhugas bago maghanda ng pagkain, bago kumain, matapos gamitin ang kubeta; panatilihin ang isang mataas na standard personal hygiene; panatilihin ang mahigpit na istandard ng kalinisan at paghahanda ng pagkain, food handling at pagiimbak ng pagkain, lalo na ng mga salad at ibang cold-served foods at iulat ang lahat ng kaso ng pagtatae na tumtaas o clustering sa mga kinauukulang health offices.

Ang typhoid fever ay dulot ng Salmonella typhi bacteria. Ito ay bihira sa mga industrialisadong bansa subalit nananatiling isang seryosong banta sa kalusugan sa mga umuunlad na mundo lalo na sa mga bata.

Kumakalat ang typhoid fever sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at tubig o sa close contact sa taong apektado nito. Ang karaniwang sintomas ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng sikmura at hirap dumumi o pagtatae.

Karamihanng tao na may typhoid fever ay bumubuti ang pakiramdam sa loob ng ilang araw ng paggagamot ng antibiotic, bagaman maliit na bilang sa kanila ay maaaring mamatay sa komplikasyon.

Mayroon ng bakuna laban sa typhoid fever ngunit bahagyangepektibo lamang. Karaniwang ibinigay ang bakuna sa mga na-expose sa sakit o bumibiyahe sa mga lugar kung saan pangkaraniwan ang typhoid fever.

Ang epektibo lamang na panggagamot sa typhoid ay antibiotic. Pinaka-karaniwang ginagamit ang ciprofloxacin (para sa non-pregnant adults) at ceftriaxone. Maliban sa antibioics, mahalaga na mag-rehydrate sap ag-inom ng maraming tubig. Sa mga malubhang kaso kung saan ang bituka ay buta-butas ay kailangan na ng operasyon.

Pinayuhan ng mga opisyal ng kalusugan ang mga taong dumaranas ng mga unang sintomas ng nakamamatay na sakit na agad komunsulta sa mga eksperto sa kalusugan sa pinakamalapit napasilidad medical sa kanilang lugar at mabigayan ng agarang medikassyon at para maiwasan nila ang self-medication na maaaring makapagpalala sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

 

DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon