SUPORTA SA MGA MANGINGISDA SA DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY

Pinulong ni Mayor Belen Fernandez, kasama sina PCG Pangasinan Provincial Commander LTCG John Luis Sibayan at Pangasinan Maritime Police Station Maj. Madonna Viernes ang mga mangingisda at boat operators Bonuan Binloc, Dagupan City, noong Marso 12 Layunin ng pulong na ito ang pagbibigay-suporta sa karapatan ng mga
mangingisda. Binigyang-diin din ng BFAR ang pagtatag ng Bantay Dagat Hotline, na maaaring tumawag ang mga mangingisda upang ibahagi ang kanilang mga alalahanin sa numerong 0919-966-1078.

Sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard, hinikayat ang pagsasa-pareho ng mga motor boat sa ilalim ng
Motorized Fishing Registration System ng BFAR, at ang pagkuha ng livelihood insurance coverage, upang maiwasan ang mga parusa mula sa ilegal na pangingisda. Kasama ang Punong Barangay ng Bonuan Binloc na si Wilmer Castanares at City Engineering Office, ipinaalam din ang plano para sa pagtatayo ng boat shed na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga mangingisda sa Binloc area.

Inaasahan din na magdadala ang pagtatag ng boat shed ng mas maraming turista na maaaring bumili ng mga lokal na produkto tulad ng mga huling isda, hipon, at iba pa. Bukod dito, hinihiling din ang kanilang pakikiisa sa patuloy na Waste Segregation Program ng lungsod sa kanilang mga tahanan.

Irish Beatrix Montano/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon