CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Isang shooting incident ang nangyari sa kahabaan ng national road ng Brgy. Salay, Mangaldan, Pangasinan 6pm ng Oktubre 2, 2018.
Kinilala ni Police Superintendent Jay Benitez Baybayan, chief of police ng Mangaldan Police Station, ang biktimang si Klyd Doria Conde, suspek sa paglabag sa BP 6 (Concealing Deadly Weapon), RA 10591 (Illegal Possession of Ammunitions) at RA 9165 (Possession of Illegal Drugs).
Ayon kay PSSupt Wilson Joseph F. Lopez, provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office, na habang binabagtas ng PNP mobile ang kahabaan ng nasabing highway pabalik ng police station matapos ang inquest proceedings, biglang inagaw ni Conde ang issued firearm ng isa sa mga police escorts na si PO2 Mar Joseph Briones, kaya nagkaroon ng gulo sa pagitan nila. Dahil dito, maraming putok ng baril ang narinig pataas sa bubong ng mobile car. Dahil sa napipintong panganib sa buhay ng mga police escorts, pinaputukan ni PO2 Dennis Cuison ang suspek sa katawan.
Agad na dinala si Conde sa Mapandan Community Hospital para sa agarang lunas subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng attending physician.
Pinaalalahanan ni PSSupt. Herminio S. Tadeo Jr., PRO1 officer-in-charge, ang lahat ng police officers na dagdagan ang pagiging listo sa paghawak ng mga kaso lalo na sa pagbibigay ng security at escort sa mga detainees upang maiwasang maulit ang katulad na insidente.
October 9, 2018
October 9, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025