TABUK CITY, Kalinga
Boluntaryong sumuko sa pulisya ang drayber na sangkot sa hit-and-run incident na sanhi ng pagkamatay ng isang miyembro ng PNP na naganap noong Diyembre 1 sa Block 3, Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga. Personal na sumuko ang drayber na 47 taon gulang at residente ng Enrile,Cagayan, kay Col. Freddie Lazona,provincial director ng Kalinga Provincial Police Office,
na sinamahan ni Kalinga ViceGovernor Jocel Baac at Lt.Col. Jolly Ngaya-an, ng Tabuk City
Police Station,noong gabi ng Disyembre 5.
Inamin umano ng drayber na minamaneho niya ang Silver/ Gray Toyota Innova, na may plate No. NAL 6453,noong Disyembre 1, nang mabangga niya ang biktimang si SSg Aldrine Arcio Agpad, miyembro ng SWAT na nakatalaga sa Tabuk City PS, pero sa halip na tumigil ay patuloy na pinatakbo sasakyan papalayo sa lugar. Napag-alaman na si Agpad ay patungo sa kanilang SWAT
office sa Block 3, Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga para sa kanilang monthly rank inspection, nang mahagip ng rumaragasang sasakyan.
Sa imbestigasyon, sa patuloy na follow-up na imbestigasyon at intelligence gathering na isinagawa na humantong sa pagkakadiskubre sa sasakyan na ginamit ng suspek na ipinarada nito at
tinabunan ng trapal sa Sitio Callagdao, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga .
Zaldy Comanda/ABN