ITOGON,Benguet – Sugatan ang dalawang lulan ng isang Sports Ulitily Vehicle matapos paatras itong nahulog
sa may 100 metrong lalim ng bangin noong umaga ng Agosto 4 sa Sitio Midas, Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Ginagamot ngayon sa Baguio General Hospital and Memorial Center ang dalawang sugatan na sina Jamus Pasan
Kiblasan,19, driver student,ng Palma Ville, Puguis, La Trinidad, Benguet at Raffy Luceno Garcia, 25, ng Kisbeng, La
Trinidad, Benguet. Sa imbestigasyo ng Itogon Municipal Police Station, ang dalawang biktima ay nakasakay
sa SUV na may plakang TPP 828, dakong alas 9:55 ng umaga at nakaparada sa pataas na posisyon ng kalsada.
Pinaandar ng drayber ang makina ng sasakyan para umabante, subalit bigla umano itong umatras pababa ng
kalsada. Sinubukan ng driver na ihakbang ang brake pedal at itinaas ang emergency brake ngunit patuloy ang paatras ng ng sasakyan hanggang sa mahulog ito sa bangin. Agad na nag-responde ang pulisya at ilang mga residente
sa lugar at agad na naiahon ang dalawang biktima.
Zaldy Comanda/ABN
August 8, 2022
August 8, 2022