SUV SUMALPOK SA ELECTRIC POST, NAGDULOT NG BROWNOUT SA MARAMING LUGAR SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Nagdilim ang maraming lugar sa siyudad at karatig-bayan sa Benguet, matapos ang biglaang pagkawala ng kuryente dahil sa pagkakatumba ng isang electric pole na binangga ng sasakyan sa may Bokawkan Road, dakong alas 3:00 kaninang hapon, Pebrero 3. Kinilala ang driver na si Rodmar Gomgom-o na minananeho ang isang Ford Tinanium Everest.

Papunta umano ito sa Naguilian Road nang biglang may nag overtake rito dahilan ng pag iwas niya at pagsalpok sa isang poste ng ilaw. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang harapan ng sasakyan. Ayon sa mga rescue at pulis na rumesponde, walang mga nasaktan  sa aksidente.

Pansamantalang isinara ang daanan sa Bokawkan Road upang ayusin at linisin ang poste at mga kableng nasira dahil sa nangyari.  Dakong alas 8:20 ng gabi ng maibalik ang ilaw sa mga apektadong barangay, dahil sa mabilis pagkumpuni ng mga tauhan ng Beneco.

by Blanca Masadao

Amianan Balita Ngayon