PARA PA ring rollercoaster si covid dito sa Baguio. Nitong mga huling araw, mukhang bumababa na naman ang mga bagong kaso. Kahapon, 18. Nakaraang araw, 11. At Martes at Lunes, 20 at 13. Kakaiba noong nakaraang mga Linggo, na ang bilang ay nasa 30 hanggang 40. Medyo nakaka imbyerba ang listahan. Taas, baba, parang tsubibo sa karnabal. Ano ba talaga ang sitwasyon sa covid?
Sa Tsina, sandamakmak na paghihigpit ang ginawa nitong huling buwan, dala ng biglaang pag lobo ng mga kaso. Sa iba’t ibang panig ng mundo, laman pa rin ng mga balita ang patuloy na paglilista ng mga kasong sinasabing palala ng palala. At mismo dito sa minamahal na Bansang Pilipinas, ay bahagyang
kinakikitaang pagtaas ng mga kaso sa arawang pagtala ng mga nakaaalam. Akyat, baba pa rin ang mga numero.
Ganito na nga siguro ang mananaig na sitwasyon sa mga susunod na araw at Linggo. Me malaking tsansa nga nu aakyat na naman si covid dahil na rin sa mga kapistagang dumarating. Ngayon pa lamang,
kabi-kabila ang mga Christmas Party na dinadaluhan. Walang puknat na kwentuhan, bidahan,
at kabulastugab. Walang tigil na kainan at tunggaan. Siguradong tigil-putukan ang gyera sa covid. Social distancing? No way, dahil kelangan beso-beso. Face mask wearing? Ginawa na ngang opsyonal, kaya bakit pa tatakpan ang ibabang parts ng mukha? Hand-washing? Ano yun?
Baka naman si Lotd, may awa sa ating mga Pinoy, at kanyang basbasan ang ating kalusugan. O di ba, ngayon ang Pasko na buong laya na nating ipagdiriwang? Sa bandang huli, nasasaating mga kamay kung
paano natin maiiwasang maging masaya o malungkot ang Pasko. Kung doble atensyon ang pag-iingat na gagawin, tuloy ang face mask sa mukha, tuloy ang iwas-kapwa kapag me oagtitipon, tuloy ang hugaskamay maya’t maya. Angat Tayo Baguio NgayongPasko!
December 10, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025