BAGUIO CITY
Asahan na ang tag-araw o’ tag-init na maranasan sa Pilipinas sa Marso ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon kay Chief
Meteorological Officer, Larry Esperanza, kapag nahinto na ang pagdanas ng malamig na hanging amihan (Northeast Monsoon) sa Pilipinas, senyales ito na ang mainit na panahon ay tuloy tuloy nang mararanasan sa ating bansa. “Meron tayong tinatawag na transition na kung saan yoong Northeast monsoon ay magiging Southwest monsoon, doon na magsisimula ang dry season at ang pag-init ng panahon,” ayon kay Esperanza.
Samantala, inaasahan pa rin ang pag pasok ng thunderstorms sa ating bansa. “Kahit na papunta na tayo sa dry season, meron pa rin tayong mga expected thunderstorm kahit sa pagpasok ng dry
season,” dagdag ni Esperanza. Sa kasalukuyan ay wala pang nakakapasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na bagyo ngayong 2023. Pinapaalalahanan naman ng PAGASA ang publiko sa paparating na tag- init na laging uminom ng tubig at huwag magbabad sa araw.
Blanca Masadao-UB Intern
March 4, 2023
March 4, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024