TAMA BA DI NA DAPAT?

Sep 17, 2022

ANG INAASAHAN ay nangyari na nga, ang pagluluwag sa mga paghihigpit kapag nasa labas ng bahay o gusali. Opsyonal na ang pagsusuot ng face mask sa mga nasa open spaces, sa mga kalsada, kapag naglalakad. Ngunit meron isa ngang pagpapayo. Gawin ang tama, kapag may katandaan ang edad, o dili kaya kapag may sakit ng dinadala, yung ang tawag ay comorbidity. At iba pang mga ipinaaalala lalo na
kung ang pagkakataon na mahawa ay may kataasan.

Iisa lamang ang ibig sabihin ng malawakang kautusan nag awing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask.
Tulad sa maraming bansa sa buong mundo, tanging Vatican at Pilipinas ang mayroon pang mandato na sapilitang pagsusuot ng face mask. Kaya naman, kinakailangan pang ang mga lungsod sa Kabisayaan
ang magpasaring na panahon na upang isantabi ang face mask kapag nasa open o public spaces.

Bagama’t bantulot ang mga health experts sa biglaang pagaalis ng face mask bilang pang publikong paraan ng selfprotection, napasunod na rin sila sa pambansang kautusan. Hindi naman sinasabing
hayagang biglang bukas ang mukha sa muling pananalasa ng pandemya. Sa panahong tila patuloy
pa rin naman ang sitwasyon ng pandemya eh hanggang ngayon naman ay may katindihan ang paglilista sa mga bagong naiimpeksyon  ay hindi dapat pagtakhan ang bantulot na pagsasaalang-alang ng mga
namamahala sa ating publikong kalusugan.

Hindi pa naman tuluyang nawawala ang covid-19. Arawaraw, mayroon at mayroong mga bagong kaso ng
impeksyon. Kaya naman, ang ibang sektor ng populasyon ay tila hindi gaanong kumsido na alisin ang face mask kapag nasa labas. Ayaw nilang mahawa o makapag-hawa ng iba, lalo na ang mga kapwa na hindi
bakunado, o hindi pa nabibigyan ng booster shot. Why take chances, ika nga sa Ingles ng aking barber.

Kaya naman nitong nakaraang mga araw, kahit na buong bansa na ang sinabihang opsyonal na ang gamit ng face mask, marami pa rin ang hindi dagliang sumusunod. Gamit pa rin nila ang pangunahing pamamaraan ng pag-sanggalang sa kanilang pangngangatawan. Ayaw pa nilang iwaksi, gayung pwede
na, dahil nga boluntaryo na ang pag-gamit nito.

Ang mga bumabagsak bang numero ng impeksyon ay palatandaan na paalis na si covid? Hindi kaya sya ay namamahinga lamang at sa isang iglap, ay basta na lamang susunggab ng mahahawaan? At bakit kaya mababa ang numero? Hindi kaya ayaw lamang na magpalista ang mga tinamaan dahil na rin sa takot na maospital, bagay na patunay ng mababang bilang ng mga covid patients sa mga pagamutan?

Idagdag pa ang isa pang ugali na sa panahon ng konting karamdaman, ang perang pambili ng gamot, pangbayad ke Doc, at pagpapa-ospital ay sa pang-araw-araw na pangangailangan ginagamit, lalo na ang pagseseguro na tatlong beses sa magdamag ay may pagkain sa mesa, me pambayad sa koryente at tubig, at ngayong pasukan, na ginawa ng in-person or face-to-face, eh di ba dapat dag-dag-gastusin
ang pag-aaaral ng mga tsikiting, ni Kuya at ni Ate. Konting sipon-sipon, konting ubo-ubo, kakayanin pa iyan.

NGAYONG nahimashimasan na ang karamihan, ay ating timbanging mabuti ang anunsyong mayroon ng bagong bakunang panlaban sa lahat ng subvariant na ngayon ay kumakalat. Meron na ngang pinagngingilagang supervariant daw na higit na mabilis makahawa, at higit na mabagsik
ang dalang epekto. Ang tawag ng ngayong panahon ay pag-ahon at pagbagtas sa isang paraan na
magbibigay lunas sa dekadekadang kapabayaan ng marami nating kinakailangan.

Ang Baguio ay natatanging lungsod na hinugis sa kabundukan ng Cordillera, upang maging sentro ng bagong pamumuhay bilang isang lungsod. Hindi natin dapat ipag-kibit ng balikat ang katotohanang paboritong tahanan ng bawat Pilipino ang lungsod, na mayat-maya ay dinadagsa upang muli at muling
langhapin ang bango ng isang kaisa-kaisang Baguio. Sa pinagsamang pwersa ng sambayanan, at sa harap ng nasisinagang bagong umagang darating, babalik ang Baguio sa dating karanasan ng isang
mayumi, matalinghaga, maganda, at mapang-akit ng lungsod. AngatTayoBaguio. Isang puso nating pagtulungan ito!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest