LUNGSOD NG BAGUIO – Inihayag ng mga opisyal ng kalusugan na tatlo sa pitong persons-under- investigation (PUIs) sa nCoV sa bulubunduking rehiyon ng Cordillera na “clear” na sila.
Sinabi ni Dr. Amelita Macliing Pangilinan, regional director ng DOH-CAR noong umaga ng Martes na sa pitong PUIs din ay apat ang nasuri nanegatibo sa nakamamatay na virus na kinakatakutan sa bansa.
Sa isang press briefing umaga ng Martes ng inter-agency task force in charge of the emerging infectious diseases (IATFEID) sa rehiyon na nagtratrabaho 24/7 ay sianbi ni Pangilinan na sa kabuuang piton a PUIs sa CAR, tatlo dito ay sa Benguet, dalawa sa Mountain Province at tig-isa sa Abra at Baguio.
Karamihan ay babae, ang pinakabata ay dalawang taong-gulang at ang pinakamatanda ay 57 taong gulang, dagdag niya. Kahit “clear” na, ang tatlo na idineklarang wala na sa panganib ay kailangan pa rin na mamonitor sila para sigurado.
Lahat ng PUIs ay may kasaysayang ng paglalakbay sa Hongkong, ayon sa mga opisyal ng kalusugan. Idinagdag ni Pangilinan na 12 sa 21 persons under monitoring (PUMs) ay na-clear na.
Ang lahat ng PUIs ay nagpakita ng mga sintomas gaya ng pag-ubo, sipon, namamagang lalamunan, lagnat at iba pa habang ang PUMs ay nagkaroon ng malapitang contact sa mga PUIs.
Lahat ng mga na-clear ay pinauwi na dahil nasa “stable condition” na sila. Nangako si Pangilinan na may mahigpit na koordinasyon ang munisipiyo at barangay health workers kung saan naroon ang mga PUIs at PUMs.
AAD/PMCJr.-ABN
February 17, 2020
February 17, 2020