TATLONG BIYAHERO NG MARIJUANA, TIMBOG SA KALINGA

LUBUAGAN, Kalinga

Naharang ng mga pulis ang tatlong katao habang ibini-biyahe ang P3 milyong halaga ng marijuana sa checkpoint ng pulisya sa Sitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Enero 29. Sinabi ni Col.Freddie Lazona,provincial director, dalawa sa mga suspek ay residente ng Angeles City, Pampanga habang ang isa ay residente ng Marikina City, Metro Manila at lahat ay nakalista bilang Street Level Individual (SLI) drug personality.

Sinabi ni Lazona, ang pinagsamang tauhan ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Lubuagan MPS, at Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU)-Kalinga PPO ay nag-flag down ng isang puting
Toyota HI Ace van na walang plate number, habang nagsasagawa ng inspeksyon na natuklasan sa ilalim ng backseat ng sasakyan ay dalawang sako na naglalaman ng nasabing marijuana bricks.

Batay sa imbentaryo, ang mga nakumpiskang marijuana ay tumitimbang ng 25,000 gramo na mayroong Standard Drug Price na P3,000,000.00. Gayundin, isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwala ang methamphetamine hydrochloride na tumitimbang ng 0.1 gramo na may SDP na P680.00 ang nakuha sa kanila.

Nagsagawa ng on-site inventory sa presensya ng mga naarestong suspek na sinaksihan ng mga kinatawan ng DOJ at isang Barangay Kagawad. Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs law of 2002, partikular ang probisyon sa illegal transport ng ipinagbabawal na droga.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon