TATLONG CORDILLERA COPS, PINARANGALAN SA KANILANG ACCOMPLISHMENTS

CAMP DANGWA, Benguet

Tatlong pulis mula sa iba’t ibang yunit ng Police Regional Office Cordillera, ang pinarangalan sa
dedikasyon sa trabaho at mahalagang accomplishment na nagawa na ginanap noong Pebrero 27 sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet. Ang parangal ay ginawa sa pagbisita ni MGen.Jesus Cambay,Jr. Director for Comptrollership, na bahagi ng kanyang Sentimental Journey,
para sa kayang nalalapit na pag-retiro sa serbisyo sa Abril.

Kasama niya sa simpleng programa si BGen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office Cordillera at iba pag miyembro ng command group. Ang Medalya ng Kagalingan (Merit Medal) ay ibinigay kina Lt.Col.Joey Jonathan Bagayo at SSg Warren Tabbang, ng Tabuk City Police Station, dahil sa kanilang accomplishment sa pagkakabawi ng 241 marijuana bricks at isang tubular dried marijuana leaves, na may kabuuang halaga na P29,040,000.00 sa Brarangay
Lacnog, Tabuk City, Kalinga noong Pebrero 23.

Ang Medalya ng Papuri (Commendation Medal) ay ibinigay kay Pat Jeffrey Witawit ng BCPO Pacdal Police Station 3 para sa pagpapatupad ng batas nang walang takot o pabor sa panganib ng kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagdakip sa isang tsuper dahil a paglabag sa Obstruction, Reckless driving, at Disobedience of Lawful Orders of Persons in Authority sa may
CM Recto St., Saint Joseph Village, Baguio City noong Pebrero 10, 2023.

Franz Angielyn Olarte-UB Intern

Amianan Balita Ngayon