BAGUIO CITY
Nakamit ng dalawang mag-aaral ng University of Baguio ang tagumpay sa kinoronahan bilang Mr. and Ms. University of Baguio (MMUB) 2024, noong Abril 19. Si Jose Rafael Warren VII, mula sa School of Teacher Education and Liberal Arts (STELA) ang itinanghal na Mr. UB 2024, habang si Patris Racquel Balajadia, mula sa School of Nursing (SON) ang napiling Ms. UB 2024. Bukod sa mga titulo, kinilala rin si Patris bilang Best in Evening Wear.
Ang mga nagwagi bilang 1st Runner-up ay sina Dwight Saavedra, SHS at Jillian Damasco, SBAA. Bilang 2nd Runner-up naman ay parehong galing sa SOD, sina David Curayag III at Christine Biñegas, samantalang bilang 3rd Runner-up ay sina Nathaniel Bauden, SIHTM at Jenny Palangdao, SCJPS. Sa 4th Runner-up naman sina James Addag, SBAA at Jasmin Urmaza, SIHTM ang nagtagumpay.
Kasama sa mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya ang mga kalahok mula sa iba’t ibang departamento ng UB. Ang Best in Swimwear ay napunta sa mga kalahok na si Dwight Saavedra, Senior High School at Jasmin Urmaza, School of International Hospitality and Tourism Management (SIHTM) , samantalang ang Best in Creative Wear ay itinanghal sa mga kalahok na parehas mula sa School of International Hospitality and Tourism Management (SIHTM) na sina
Mr.Nathaniel Bauden at Ms. Jasmin Urmaza. Ang Best in Evening Wear para sa mga kalalakihan naman ay napanalunan ng kalahok mula sa School of Business Administration and Accountancy (SBAA) na si Mr. James Addag.
Judel Vincent Tomelden/UBIntern
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024