Teen centers inilunsad ng SK para sa blended learning students

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Ang Sangguniang Kabataan (SK) dito ay naglunsad ng anim na Teen Centers upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa blended learning.
Ayon kay SK President Mark Anthony Ducusin, ang mag establisimiyento ng Teen Centers ay kanilang flagship program bilang one-stop-shop venue para sa educational learning centers para sa kabataan sa lungsod dahil sa pandemya sa COVID-19 sa ilalim ng new normal.
“We had difficulties when we tried to implement blended learning but with the support of our city government, we were allowed to lobby this as part of our recovery and rehabilitation plan,” ani Ducusin sa episode ng Network Briefing News.
“We had savings from SK councils in San Fernando, so we used this for the establishing teen centers. It’s a facility with four major components such as a chat hub, audio visual work station, youth desk, and e-library and workstation which will be part of the blended learning,” dagdag ni Ducusin.
Ang unang batch ng anim na SK teen centers ay inilunsad sa anim na barangay bilang bahagi ng pagdiriwang ng SK sa ‘Linggo ng Kabataan’ kamakailan. Ang mga barangay na ito ay ang Ilocanos Sur, Poro, Catbangen, Tanqui, Cabaroan, at Dallangayan Este.
Sinabi pa ni Ducusin na maliban sa learning books na nailagay sa nasabing mga pasilidad, mayroon din isang wifi o internet access, “Aside from the traditional books, mayroon pong internet access at puwede pong bumisita ang ating mga kabataan lalo na sa mga walang gadget, walang internet sa bahay. Open po at walang bayad ang ating facilities na ito para po sa kanila”.
Pang masiguro ang kaligtasan ng mga kliyente sa gitna ng kasalukuyang krisis sa kalusugan, lahat ng mga bisita at kailangang mahigpit na sumunod sa minimum public health standards na itinakda ng pambansang gobyerno.
Bilang suporta sa insiyatibong ito ay nangako ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Alf Ortega na magbibigay ng 1,000 units ng tablets, 59 desktop computers at printers upang dagdagan ang modules ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda, 9 na teen centers ang ilulunsad sa Setyembre 30 at Oktubre 2 sa mga barangay 1,2,3, Narra Oeste, Pagudpud, Santiago Sur, Namtutan, Biday, Bangcusay at Bato. Layunin ng SK San Fernando na magtatag ng teen centers sa lahat ng 59 barangay sa lungsod sa katapusan ng taon o sa unang bahagi ng 2021.
EB/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon