BAGUIO CITY
Patuloy na makakaranas ng matinding paglamig ng temperatura ang lunsod na ito sa mga darating na araw sa
buong buwan ng Pebrero ito ay ayon sa huling ulat ng PAGASA. Ayon kay Engr. Larry Esperanza ng PAGASA Baguio
Synoptic Station sa kanyang ulat sa nakaraang meeting ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management
Council nong buwan ng Enero na patuloy na mararanasan ng mga taga Baguio at ng karatig lalawigan ng Benguet ang pagbaba ng temperatura sa buong buwan ng Pebrero.
Ito ay kanyang sinabi sa nakaraang meeting na kung saan ay pinaghahandaan din ng nga opisyal ang gaganaping
Panagbenga Festival na kadalasng isinasagawa sa buong buwan ng Pebrero na kung saan ay kasagsagan ng taglamig sa lunsod ng Baguio. Mula noong February 1 hanggang sa unang lingo ng buwan ng Marso ay ramdam pa rin ang taglamig sa lunsod at sa huling naitala na sukat ng lamig sa lunsod ng PAGASA ay umaabot mula 9.7 hanggang 11.6 degrees Celsius nitong buwan ng Enero at kung sasapit ang Pebrero ang temperatura ay 9.4 hanggang 12 degrees
Celsius.
Sa nakaraang ulat ng PAGASA Baguio, ang pinakamababang temperatura naitala nitong buwan ng Enero ay 12.4 degrees Celsius na nai record ay 5:00 AM noong Enero 17, 2024. Ayon kay Esperanza “ Baguio will also continue to
experience dry conditions with the forecast of zero to two tropical cyclones to enter the Philippine Area of
Responsibility or PAR in the first two months of the year. “In case tropical cyclones enter PAR, it will not also directly affect Baguio City due to the prevailing Northeast monsoon or Amihan”.
Inaasahan din umano ng PAGASA na magkakaroon ng tag tuyot na sa loob ng 26 na araw nitong Enero at malamang
mayroon din 23 na tagtuyot sa buwan ng Pebrero na ang ibig sabihin ay magkakaroon lang ng 1mm na buhos ng ulan sa mga darating na buwan. Samantala sinabi naman ni Dra Donnabel Tubera Panes City Epidemiology and
Surveillance Unit na nagpaalala sa publiko na laging magsuot ng makapal na mga damit at iawasan ang pag-inum ng mga malalamig na maaring magbunga ng sipon at ubo dahil sa matinding lamig na nararanasan sa lunsod.
Ayon kay na mayroon silang naitala na mga tao na nagkaroon ng mga biktima ng COVID-19 na halos umabot sa 83 na katao ito ay mula Enero 8 hanggang 14 ng taong ito. At kung ikumpara sa naitala noong Enero 1 hanggang 7 na may 46 na kaso lamang kunga kayat kailangan diumanong magingat ang mga mamamayan ng Baguio. Nagbabala rin si Tubera na mag-ingat sa mga water bones disease dahil nagkaroon na rin ng mga biktima ng acute gastroenteritis outbreak sa lunsod subalit agad naman itong naapuhap ng mga otoridad.
(JDP/CCD/PIA CAR)
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 19, 2025