Nagkamalay ako sa second district ng Ilocos Norte ng 70’s. Hindi na nagbago ang imahe ng National Irrigation Administration (NIA). Sa compound nito sa bayan ng San Nicolas, labas-pasok ang mga magagarang 4×4 SUV na wari’y mga opisyal ang lulan. Sa kabilang banda’y, mga magsasakang umaasa sa tubigulan at salat sa patubig sa sakahan.
Maraming pondo ang naipapasakamay taon-taon. Ngunit tuwinang tag-tuyot, ang mga magsasaka, patuloy ang
kasalatan sa patubig. Halos apat na dekada na ang nakakaraan, at gaya ng Ilocos Norte, salat pa rin ang karamihan ng patubig ang mga palayan.
Mismong ang Commission on Audit (COA) na ang nagsasabing panlimang taon nang tinatawag ng pansin ang NIA sa mga multi-bilyong irregularidad, kasama na ang China-funded Chico River Dam Project mula sa Kalinga hanggang Cagayan.
Partikular na kinastigo ang NIA sa P4.37B Chico River irrigation project sa Kalinga, isang “flagship project” sa ilalim ng “Build, Build, Build” program na nagumpisa pa noong 2018. Sa dinamidaming contractors sa proyekto, ni isa’y hindi nagpakita ng sapat na dokumento, nagkubli ng halaga ng proyekto at porsyento ng accomplishment, na labag sa Republic Act No. 9184 o “Government Procurement Reform Act.”
Isipin na “soft loan” mula sa China Exim Bank at hindi “grant” ang Chico River Irrigation project na naglalayong patubig sa 7,530 ektarya sa Tuao at Piat sa Cagayan at 1,170 ektarya sa Pinukpuk, Kalinga. Mahigit 4,350 pamilyang magsasaka sana ang magbebenepisyo.
Sa 2020 audit sa NIA, may 841 kontratang P6.579B ang naiaward na hindi sapat ang dokumento, kabilang ang mga hindi nakalahad ang halaga ng proyekto at kung ilang porsyento ang nagawa. Labag ito sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act!
Matagal nang inu-usisa ang NIA dahil sa kakarampot na accomplishment nito sa larangan ng patubig sa sakahan
sa kabila ng P260B pondo nito mula 2009-2019.
Lalo pang lumala dahil bukod sa naantala ang pagawa, may 82 proyektong (P4.54B) at 25 kontrata (P6B) noong 2016 ang may “slippages” o hindi naayon sa standards.
Nakitaan din ng deficiencies ang 436 irrigation contracts (P11.94B) noong 2017 at nabatid ang improper management na nagresulta ng 299 naantalang irrigation projects (P20.7 billion) noong 2018. Naantala din ang 288 projects (P10.1b) sa sumunod na taon.
An-NIA met!
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025