“TINIK”

Sa panahon ngayun, lagi nating nililingon ang mga nagdaang panahon. Maraming BAKIT sa ating
buhay. Kung papano natin narating ang kasalukuyan sa likud ng mga sagwil o “tinik” na ating pinagdaanan ay talinghaga pa rin pards? Larga, vamos amigos, escrutinemos: Kung sa pusa…ang tinik ay masarap na ulam. Sa mga rebolusyonaryo…tinik ang gobyerno sa kanilang ideolohiya. Kung sa negosyo, tinik ang maraming kakompetinsya. Kung sa buhay, tinik ang mga balakid sa
katuparan ng mga hinahangad at mga pangarap.

Sa mga tsuper ng mga PUVs…tinik sa kanilang kita ang laging taas-presyo ng produktong petrolyo. Sa mga operators ng sasakyan, tinik sa kanila ang modernization. Sa mga konsyumers…tinik sa kanila ang taas-presyo ng mga bilihin. Sa mga estudyante…tinik sa kanila ang terror daw na titser. Sa mga may sasakyan, tinik sa kanila ang mga istriktong mga otoridad. Sa mgakakapitbahay…tinik ang marites. Sa mga pulitiko, tinik ang kanilang mga mahigpit na katunggali.

Sa mga gustong ma-promote sa trabaho, tinik sa kanila ang mga mas magagaling magsipsip. Sa mga umpukan, tinik ng mga gaya naming pangit daw ang mga may itsura. Sa silidaralan…tinik sa mga di nagaaral ng leksiyon ang mga matatalino. In short…sa bawa’t segundong umiinog ang mundo, laging may nasa ilalim at nasa ibabaw. Malas mo lang kung isa kang gulong at na-flat pa sa malamim na bangin. Kaya sa ating buhay, tanggapin natin kung ano ang guhit ng inyong palad. Ang solusyon: Pagtanggap sa katotohanan.

Maraming tinik ang nagaganap sa ating pangaraw-araw ng buhay. Yung iba napapansin natin. Pero
karamihan ay nadarama natin. Eto ang mga bagay na nagpapabagal sa ating mga kilos o nakakasira ng ating mood o nakakawalang gana o sagabal sa ating mga plano, sabi. Tinik ang tawag sa mga
bagay o pangyayari na di ayon sa ating kagustuhan, paningin o pananaw. Tinik ang maingay na pusa sa iyong pagtulog. Tinik sa pang-amoy ang mabahong basura at nakakasulasok na pusali.

Tinik sap ag-unlad ang sira sirang kalsada. Tinik din sa gobyerno ang mga rebelde. Maraming tinik sa buhay. Agkakanat ng siit. SIIT no makatudok, nasakit. Sa kabilang dako, tila nadadawit na sa mga kontrobersiya si Bise Presidente Sara Duterte. May pumupuna na bakit daw nakikialam siya sa
mga iba’t-iba iysu sa pamamahala ng ating gobyerno. Dapat daw ay ituon na lamang ang kanyang trabaho at atensiyon sa pagiging Sekretarya ng Edukasyon.

Marami daw problema gaya ng kakulangan sa guro at silidaralan at maaring di sapat na suweldo. Pero sa ganang amin…Sa mga nakakalimot naman, pinapaalala po ng DAPLIS na si Sara Duterter ay bise president ng Pilipinas. Siya ang kanang kamay ng pangulo. Siya ang tatayong pinuno
sakaling wala sa Malakanyang ang ulo ng bansa. Tsk tsk…maaga yata ang banatan sa pulitika, pards. Alam kasi ng mga umuupak sa kanya na may matibay siyang poste sa darating na halalan kaya ngayon pa lamang ay gusto na nilang ugain at itumba. Sige lang, madam bise…trabaho lang.
Mahaba pa ang panahon upang makapagpunla ka ng mga buto sa ikabubuti ng Pilipinas. Adios
mi amor, ciao, mabalos.

KAPASKUHAN

Amianan Balita Ngayon