Toneladang gulay ng Benguet, nabubulok sa mga taniman

Jan 13, 2019

LA TRINIDAD, BENGUET – Kung noong nakaraang taon ay sobra ang taas ng presyo ng gulay sa Benguet, ito ay kabaliktaran ngayong unang buwan ng taon dahil sa tone-toneladang gulay ng Benguet ang di umanoy nabubulok na lang sa mga taniman sa lalawigan partikular sa bayan ng Buguias, Atok, Mankayan at sa munisipalidad na ito.
Kamakailan lamang ay ibinulgar ng isang opisyal ng kooperatiba ng mga nagtatanim ng gulay sa probinsia ang nakapanlulumong kalagayan ng industriya ng gulay sa Benguet kung saan tone-toneladang naaning gulay ang hinahayaan na lamang mabulok sa malawak na taniman sa Benguet bunsod ng labis na suplay.
Ayon kay Augusta Balanoy, general manager ng Benguet Farmers Marketing Cooperative, ang mga nagtatanim ng gulay sa probinsya ay umaani ng tinatayang 3.5 milyong kilo kada araw mula nang nagsimula ang taon kung ikukumpara sa normal na pag-aani ng 1.2 milyong kilo kada araw.
Aniya, ito ay sa gitna ng pagbaba ng demand dahil sa pagtatapos ng holiday season.
Sa kabila nito ay ibinibilang ng Department of Agriculture ang pagbaba ng presyo na nasa normal lamang. “We monitored the prices of vegetables in trading post daily. This first week of January, it declined by 30 percent and that’s normal, because of the high prices and the demand during Christmas and New Year. Right after the holidays, it will really go down,” ani Department of Agriculture-Cordillera director Cameron Odsey.
Sa isang official online post, sinabi nina Odsey at agriculture chief Emmanuel Piñol na tumanggi ang mga traders na bumili ng gulay mula sa farmers dahil sa mga baha sa Bicol na humahadlang sa kanila upang maihatid ang mga gulay sa Bicol at Visayas. “Vegetables do not only go to Manila but also to Visayas. When typhoon Usman hit the country last week of December, no Ro-Ro boats were available during the typhoon which is one factor why there are less buyers,” paliwanag ni Odsey.
Pinag-aaralan ng agriculture department sa Cordillera na makipagtulungan sa local government units upang makapagtatag ng surveillance system sa bawat bayan na magtatalaga ng mga itatanim na gulay upang maiwasan ang duplication o pagkakaroon ng parehong uri ng tanim na gulay.
Ipinangako ng DA at ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na sisimulan ang validation process upang makilala ang mga magsasaka na nalugi bunsod ng mga nakaraang bagyo kasunod ng pamamahagi ng insurance payments.
“As per instructions of DA Secretary, first we are going to validate and identify how many farmers, if they are covered by crop insurance. If they are, they can automatically claim, (and) if they are not covered, we will encourage them to access credit for them to utilize,” kinumpirma ni Odsey.
Ngunit giit ni Balanoy, hindi maaaring ang isagot ng gobyerno sa suliranin ng mga magsasaka ay ang pagpapautang ng agriculture department. “It is not an emergency measure that the farmers’ need,” aniya.
Samantala, inilahad din ni Balanoy ang nagpapatuloy na problema ng mga nagtatanim ng gulay bunsod ng pagkakaroon ng mga tinaguriang “middlemen”.
Aniya, nagiging triple na ang presyo ng gulay kapag nakakarating sa mga mamimili dahil sa naturang sistema.
Paliwanag ni Balanoy, ang mga ibinebentang gulay ay dumadaan sa tinatayang anim hanggang walong patong ng middlemen bago makarating sa merkado publiko mula sa mga farms.
Inihalimbawa ni Balanoy ang presyo ng gulay na binili sa farm na P18 kada kilo at nagiging P60/kilo kapag binili na ng mga konsumer sa palengke bunsod ng hindi bababa sa anim at hindi tataas sa walong “layers” na pinagdaraanan sa gitna.
Ang mga presyo ay nagiging triple hanggang makarating na sa mga konsumer o mamimili, aniya.
Sa naturang sistema, ang gulay ay binibili nang bultuhan sa murang halaga mula sa mga taniman at pinapatungan sa bawat dinaraanang middleman hanggang makarating sa palengke kung saan naman ito binibili ng mamimili upang iluto at ihain sa hapag.
Sa sistemang ito ay higit na nakikinabang ang middlemen kaysa sa mga magsasaka kaya sinusubukan itong alisin o bawasan ng gobyerno ngunit, giit ng mga nagtatanim ng gulay sa Benguet, hindi nila nararamdaman ang sinasabing pagsisikap ng gobyerno upang alisin ito.
A.ALEGRE/ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest